Sponsor

Minsang online ako sa facebook at nakipagchat ang kaibigang matagal ng hindi ko nakausap.

– Isaw kamusta ka na?

Eto inuugat na sa Dubai.

– Oo nga ang tagal mo na dyan Isaw. Siguro ang yaman mo na.

Kung di ko pinapadala yung buong sweldo ko buwan buwan talagang mayaman na siguro ako.

– Ano na ba ang trabaho mo dyan Isaw? Nasa hotel ka pa rin ba?

Oo pero di na ko waitress. Admin na ko.

– Wow big time ka na talaga. Ang laki na siguro ng sweldo mo. Magkano na sweldo mo dyan? Mga sampung libo?

Grabe ka naman. Anong tingin mo sakin, General Manager?

– Eh magkano? Mga limang libo?

Sakto lang. Ikaw kamusta? Laki na baby mo ah?

– Isaw mga limang libo ano? Kita mo na ang laki ng sweldo mo?

Nagbabayad ako ng bahay, dalawang libo upa ko dahil di ako binigyan ng pabahay eh. Namamasahe pa ko. Halos kalahati na lang natitira sakin, pagkain ko pa. Yung tira pinapadala ko saka pinambabayad ko dun sa hulugang lupang nakuha ko.

– Asenso ka na talaga.

Anong asenso dre? Mag-iisang dekada na ko dito di ako makauwi uwi. Kung asenso ako edi nasa Pinas akong katulad mo. Ikaw nga pensionado eh.

– Di na kasya yung mga pinapadala sa kin nila Auntie kasi may anak na ko eh.

Trabaho ng asawa mo?

– Wala pa eh nag-aapply pa lang.

Eh pano kayo kumakain?

– Pinagkakasya namin yung mga padala nila Auntie para kila Lola.

Dyan pa rin kayo nakatira sa Lola mo?

– Oo eh. Isaw pasensya ka na dun sa atraso ko ah.

Wala na yun, di mo naman din na mababalik diba? Sabi ko kasi sayo palpak yang paluwagan eh. Ikaw lang makulit.

– Isaw pasensya ka na ha pero wala pa kong pambalik dun sa pera mo. Nakakahiya man pero baka pwede mo naman akong isponsoran, babayaran ko din pag nakapagpadala na Auntie ko.

Isponsoran?

– Oo nagaapply kasi ako papuntang Hongkong. Kelangan ko ng pambayad sa agency.

Anong gagawin mo sa Hongkong?

– MagD-DH.

Bakit di yung asawa mo ang magtrabaho eh may anak ka.

– Eh maliit lang kita sa construction saka seasonal.

Eh bakit magD-DH ka. Bakit di ka na lang mag-waitress ulit. Balik ka dito sa Dubai? May naiwan ka pa bang mga utang dito sa bangko?

– Oo e diba yung credit card na di ko na nabayaran? Naghahabol pa rin hanggang ngayon. Na-track nga ako dito kahit papalit palit ako ng number. Saka malayo sa Dubai. Hongkong malapit lang. Saka may anak ako o dapat malapit lang.

Eh kung ayaw mo iwan yung anak mo bakit ka mag-aabroad?

– Eh basta dali na Isaw, isponsoran mo na ko barya na lang sayo yun eh.

Barya?

2 responses to “Sponsor”

  1. nakakalungkot naman to. at nakakagalit ng slight na sagad sa buto.

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha….minsan ang sarap nilang iblock sa fb para di ako ma stress ahaha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: