Salamat, Nante.

Dahil sa kung ano anong page ang nililike ko sa facebook, nakita kita ng di inaasahan. Nung una nag-aalinlangan ako. Iniisip ko kung ikaw nga ba yan? Pero tandang tanda ko yung nunal mo sa may pagitan ng ilong at labi, gawing kanan. At ganung ganun pa rin ikaw manamit. Naka sombrero, malaking tshirt at maluwag na shorts. Hindi ko naman masyadong inungkat profile mo ano?

Payat ka noon, sobra. Dun siguro ako nagkaroon ng alinlangan kung ikaw nga ba talaga yan o hindi. Medyo malusog ka na kasi sa mga larawang nakita ko sa facebook eh.

Pero ikaw nga yan.

Tandang tanda ko. Dumaan kayo sa campus namin para mang-akay ng mga estudyante papuntang Mendiola. Kung ano man yung ipinaglalaban nyo noon, di ko na maalala pero ang alam ko hindi kami pinayagang sumama ng mga propesor namin.

Pero gusto ko. Natatandaan kong nangangati ang paa kong maglakad kasama nyo pero di ako sumama. Hindi ko tinuloy.

Binalikan mo kami matapos ang ilang araw at nagyaya kang muli, hindi na naman kami pinayagan. Gusto ko pero nakasalalay ang grades ko sa attendance sa klase bukod pa sa mga exams. Hindi ako pwede bumagsak. Sa pagtatapos ko rin nakasalalay ang napakaraming bagay.

Hindi na kita nakita muli hanggang sa noong isang araw ay bumulagta sa newsfeed ko ang larawan mong nagyoyosi. At dahil nga pamilyar ka, dali dali kong inusisa ang profile mo. Isa ka ng propesor, speaker at manunulat. At dama ko na kung ano ang ipinaglalaban mo noon, ay iyon pa rin hanggang ngayon.

Dekada na ang lumipas. Naisip ko, kung nagpumilit akong sumama noon sa inyo at lumiban sa klase, malamang wala ako dito ngayon. Baka magkasama tayong nakikipagbaka ngayon.

Parehas naman tayong buhay na bayani ngayon eh, magkaiba nga lang ang ating pinaglalaban. Magkaiba ang adhikain at pinapatunguhan.

Ganun pa man, nagpapasalamat ako na may isang katulad mo na patuloy na nakikipagbaka. Patuloy na nakikipaglaban para sa karapatan ng bawat estudyanteng mahirap at ng mga manggagawa.

Salamat, Nante.

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: