Masilungan

Sabado ng umaga at ang gising ay alas nwebe na. Bago pa magtimpla ng kape at kumain ng pandesal na nanigas na sa lamig ay pipihitin muna yung radyo.

Tutulala muna habang nagkakape at nakikinig sa radyo. Maya maya pa ay kakapain kung may muta pa o panis na laway at kung wala ay didiretso na sa poso. Wag munang sahurin ang unang mga tubig na lalabas dito dahil makalawang pa. Ilang timbang boysen paints ang kelangan kong isalin para mapuno ang washing machine. Ilang scoop ng sabon din para bumula.

Matapos isalang sa washing machine na hindi matic ay pipigain ko ang mga damit at ilalagay sa palangganang aluminum na may mga pinutol na gomang tsinelas sa ilalim na dinikit ng epoxy. Kukuskusin ulit ng pisnet yung mga damit lalo na yung mga pinutian. Lalagyan ng clorox yung mga may mantsa. Dalawang beses babanlawan yung mga damit at kelangan matapos ang paglalaba sa katanghalian para mataas ang araw at mainit yung hangin, mabilis matutuyo ang mga damit.

Namumuti at nagkandalambot na balat sa kamay at paa, babad sa tubig at sabon. Basang short at laylayan ng tshirt.

Makapananghalian na at makaligo na din. Kanin lang ang meron kaya bibili muna sa karinderia ng tortang talong at manghihingi ng libreng sabaw.

Ilang oras pa ng mainit na na hangin ay nagdilim na ang ulap at kailangan ng isilong ang mga sinampay. Baka pa mabasa at maulit ang paglalaba. Di na napigilan yung ulan buti na lang tuyo na yung mga nilabhan.

Malakas na buhos ng ulan tapos maya maya pa ay hangin at ambon na lang. Maya maya ulit ay lalakas na naman ito. Parang tinangay lang ng hangin papunta dito kaya saglit lang at nawala na ulit. Pero madilim pa din ang ulap.

Malakas pa din ang hangin pero paambon ambon na lang. Mainit pa din kahit hapon na. Makabili na nga ng spanish bread at softdrinks at makapagmeryenda na.

Pipihiting muli ang radyo.

*mga naalala nung marinig ang kanta

Author: aysabaw

Aysa is a self-proclaimed hotelier without any culinary talent. She used to fly around Dubai for ten years via her magic carpet but destiny led her to a new path. She is now a little mermaid swimming in and around the Maldivian waters. If she is not reading her books, writing something comical, leaving rubbish comments on your posts or strumming her guitar, then she's up to some mischief.

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s