Tiis Ganda

Ako ay pinanganak na kinky. Laging nangangailangang magpa straight o magpa rebond. Ilang beses na din na pumapalpak dahil matigas ang ulo ko pero mas matigas ang ulo ng Chekwang Hairstylist.

July 2013 pa ako huling nagparebond kaya by now, mahaba haba na ulit yung mga mapagpilit na kinky na nangingibabaw sa ulo ko. Pasaway sila at lagi akong bad hair day at dahil jan naisip kong maghanap ng mga pictures ng hairstyle na gusto ko.

Nagpunta ako sa Meteor Garden na salon na puro Picture ni Shan Cai ang nasa pakete ng mga facial masks at sinabi kong magpaparebond and hair cut ako at pinakita ang picture na ito ni Victoria Beckham.

Victoria Beckham- photo by www.company.co.uk
Victoria Beckham- photo by http://www.company.co.uk

Sabi ni chekwa, di daw pwedeng gupitan ang buhok ko pagkarebond at kelangan ko pa bumalik next month dahil kung gagawin na ito ngayon ay magdadry yung dulo ng buhok ko. So pumayag naman ako kahit medyo dismayado ako.

So ayun, apat na oras na suklay dito pahid ng cream doon. Sumakit yung ulo ko dahil dalawang oras na nakababad sa cream tapos binanlawan, binlower, pinalantsa at pinahidan ulit ng cream. Naiinis si chekwa dahil matagal matuyo ang buhok ko at ngawit na sya sa pagboblow dry. Ikaw lang ba ang nahihirapan dito? Tinututok mo yung blower sa anit ko ng ilang segundo ang init kaya? Tapos nung pinaplantsa mo yung buhok ko sumasagi sa anit ko yung mainit na plantsa kala mo di masakit? Pero tiniis ko ang lahat ng ito.

Oo tiniis ko para lang sa ikagaganda ng buhok ko at ng magmukha naman akong tao.

At sa loob ng apat na oras na pagtitiis, eto ang kinalabasan ko.

android 18
android 18

Tiis ganda ng apat na oras para lang maging kamukha ni Android 18.

9 responses to “Tiis Ganda”

  1. kamukha ka na ni Victoria Beckham? 😉

    Like

    1. hindi po.

      …ni Android 18 -_-

      Like

        1. nagtiis naman ako pero bakit di gumanda -_-

          Like

          1. ayon lang… 🙂 what to do, eh? hugs muna…

            btw, pwede na muna ang neat, hehe. gano’n lang usually goal ko, pag punta sa parlor, magmukhang tao lang, haha

            Like

  2. nagpakulay ka din ng yellow? hahaha

    Like

    1. hindi, sayang nga eh, bawal na gupitan bawal pa kulayan dahil may kulay na daw tahaha. medyo red ang kulay eh ahehe. pero ganyang ganyan ang mukha ko ngayon pwera sa kulay ng buhok tahaha

      Like

      1. anliet ng picture e hindi kita sa gravatar. haha. si trunks na lang para kulay pink.

        Like

        1. trunks talaga hahaha

          Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: