Sa Loob ng Iisang Bubong – The Disappearing Juice and the Fight for the Sampayan

* mga kwentong OFW

Mga apat na taon na ang nakalipas ng mangyari ang tagpong ito.

Isang araw na day off si Sabaw tanghali na syang gumising dahil wala naman syang gagawin.

*hikab hikab* papuntang kusina para kunin ang fruit cocktail juice sa ref

Sabaw: *pupungas pungas pa* Whaaaat? Asan ang juice ko? Bakit bote na lang to? Buset. Inubos na nga yung juice ko, binalik pa sa ref yung boteng walang laman. Ako pa ba magtatapon para sa kung sino man sya? May katulong ba sya?

Asar na asar ang bagong gising na si Sabaw. Kaya tumawag sya sa kaibigan nyang si Anne.

*ring ring*

Sabaw: Anne, nakakasar naman itong mga malalanding to. May pambiling make up walang pambili ng juice. Alin lang sa dalawa yan eh. Si Anastasia o si Irina (mga Russian na flatmates ni Sabaw)

Anne: Ganto gawin mo. Magpain ka. Lagyan mo ng Imodium yung juice tapos iwan mo ulit sa ref at kung sino ang saktan ng tyan, hahahaha.

Sabaw: Sira. Baka mamaya makalimutan ko pang nilagyan ko yan ng Imodium, ako pa madali pag ininom ko.

Anne: Buti nga ikaw yan lang ang problema mo. Ako yung room mate kong Tunisian na matabang baboy. Hinulog sa sahig yung mga damit ko para maisampay nya yung mabaho nyang damit. Kapal ng mukha. Punta ka dito mamaya ha.

Sabaw: Sige antayin ko muna bumalik yung dalawa para matanong ko.

Bandang alas singko ng hapon ng dumating ang dalawang Russian na flatmates ni Sabaw mula sa trabaho.

Sabaw: Hi, girls by any chance do you also drink fruit cocktail flavored juice? Like this? The Al Rawabi brand? (habang itinaas ang bote ng juice)

Anastasia: No why would we drink that. We only drink milk. (In a cold and rude Russian accent)

Irina: Me neither. I donโ€™t buy juice. I like milk too. (in a soft Russian accent)

Sabaw: oh ok. (ngumiti ng plastic habang umuusok ang ilong na lumbas ng bahay at pinuntahan si Anne.)

*knock knock*

Anne: Sabaw hihihihi

*evil laugh* habang pinapapasok ni Anne si Sabaw sa bahay.

Sabaw: o anong nangyari dito?

Anne: Ginupit ko yung damit nyang mabaho hahaahah

Sabaw: Baliw ka pano yan paguwi nya mamaya baka awayin ka.

Anne: Hahaha bahala sya. Meanwhile magwalis muna tayo at isiksik sa siwang ng pinto ng kwarto nila lahat ng alikabok at mga buhok sa sahig.

Sabaw: wahahahah. Sige sasamahan muna kita at baka nyan magwala yung si Baboy pagdating. At least may back up ka.

Bandang alas otso ng gabi ay dumating na si Baboy, este si Tunisian roommate ni Anne

Malakas na katok sa kwarto ni Anne na halos ginigiba na ito

Anne: What the f*** are you doing with my door? Do you want me to call the security

Baboy: You cut my clothes huh? (In a mad Arabic accent) Yala tell me did you cut it?

Anne: Yes. Because you threw my clothes on the floor just so you can hang yours.

Walang ano ano ay hinablot ni Baboy ang buhok ni Anne at hinila sya palabas ng kwarto. Nagulat ako pati ang Moroccan na room mate ni Baboy na agad umawat at hinawakan si Baboy. Ako naman ay humawak din kay Baboy. Sabi nila pag may nagaaway daw, ang awatin mo ay yung kalaban nyo para pag hawak mo ang kamay niya ay hindi na sya makaakma pa habang ang kakampi mo naman ay nakakalamang pa. At iyon ang ginawa ko. Hinawakan ko sya sa kamay. Kaya si Anne ay nakarami pa ng kalmot at nahilang buhok.

Napaghiwalay na rin namin ang dalawa matapos ang ilang minuto ng kalmutan. Pumasok na si Baboy sa loob ng kwarto at anlakas ng iyak nya habang kausap sa telepono ang boyfriend nya daw na Local (local ang tawag sa mga Emarati). Magsusumbong daw sya sa pulis.

Sabaw: Huy may konti kang kalmot. Pano kung magsumbong sa pulis yan o kaya sa HR?

Anne: Di magsusumbong yan dahil alam nyang talo sya. Rule yan diba na kung sino unang sumugod sya ang may kasalanan. Kaya nga inantay kong mauna sya eh.

Binuksan nila baboy ang room nila para kunwari ay marinig namin na tatawag sila ng pulis at ineenglish nya ito para maintindihan namin.

Baboy: Wallah wallah habibi I am hurt. Please call the police for me. This stupid Filipina lady hurt me badly. Please come and take me to the clinic so that they can have a look at my scratches then I can file a complaint against her.

Napuyat kami kakaantay ng pulis o HR na susugod sa bahay pero wala naman. Ni walang sumundo kay Baboy para dalhin sya sa clinic. Alas dose na kaya ako ay umuwi na at natulog na si Anne.

At bago ako natulog ay naglagay ako ng sticky note sa ref:

Dear Girls,

Whoever drunk my Fruit Cocktail juice here should take care. I hope your stomach didn’t ache because I mixed my medicine with it for my loose movements. It’s so bitter that I have to mix it with something sweet just so I can drink it.

I hope you’re ok.

Regards,
Sabaw

PS. Next time please buy your own juice

***

Ito ang naunang Sa Loob ng Iisang Bubong Story ko. Ang The Percy Wetmore Series.

https://aysabaw.wordpress.com/2014/01/24/sa-loob-ng-iisang-bubong/

2 responses to “Sa Loob ng Iisang Bubong – The Disappearing Juice and the Fight for the Sampayan”

  1. hang lupit ng environment mo, kapatid. ๐Ÿ™‚ musta sa bago mong jungle, hehe. nag-grow ka ng bagong layer ng scale or me nadiskubre ka nang bagong potion? peace… ๐Ÿ˜‰

    Like

    1. hihihi Ate san, eto naman ay nangyari na noong unang panahon pa, naalala ko lang at nai share at si kaibigang Anne ay mukhang di pa naka get over kay “Baboy” hanggang ngaun ay galit pa rin aahahaha

      actually marami pang ibang mga kwentong nangyari “Sa Loob ng Iisang Bubong” at maikukwento ko pa nga sa susunod hahahaha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: