Sa Loob ng Iisang Bubong

*mga kwentong OFW, halos totoo, pangalan lang ang hindi

Ang kwento ng isang Chef, isang Document Controller at ang bagong salta sa apartment, si Civil Engineer.

Isang araw sa kusina,

*chop chop chop*

CE: Hi ako nga pala si Percy yung bagong lipat dyan sa kabilang kwarto.
(Ang pangalang Percy ay hinango ko lang sa itsorya ni Stephen King. Si Percy Wetmore ay nakakainis sa istoryang iyon.)

*gisa gisa gisa*

DC: Ako naman si John at ito yung room mate kong si Mar.

CE: Anong natapos nyo nga pala?

DC: Ha? Sa kolehiyo?

CE: oo

DC: Ako ECE.

CE: Ikaw brad? (tanong nya kay Kusinero)

*budbod budbod budbod*

Chef: Ako Computer Programming, 2nd year lang naabot ko dahil di na namin kaya yung tuition.

CE: Eh nagagamit nyo ba sa trabaho yung mga pinag-aralan nyo?

DC: Hmmm, ako medyo dahil nasa linya ko naman yung company na napasukan ko.

Chef: * isang kupal at isang tanga* (sa isip nya lang yan )*gisa gisa gisa*

CE: Eh may mga business na ba kayo sa Pinas? Ako kasi meron na. May palamigan kame kaso medyo mahina pa kita at kelangan pa ng mas malaking puhunan kaya andito pa ako. Magandang business yun alam nyo ba? Kasi mabilis ang ROI. Do you guys know what ROI is?

DC: ROI? Ammmmm

CE: Return of Investment. Malakas kasi yung palamigan lalo pag maganda ang pwesto mo. Kaya mabilis ang balik ng puhunan.

DC: Ah ako kasi manganganak yung asawa ko eh kaya saka na muna negosyo. Pero mukhang ok yang palamigan kung mabilis naman pala yung R. O. I. ?

CE: Ah ganon ba? Eh ikaw brad, Mar, may negosyo ka na ba? Tahimik ka dyan ah.

Chef: Wala pa akong negosyo eh pero may stock investments na ako. *sipol sipol* sabay labas ng kusina.

5 responses to “Sa Loob ng Iisang Bubong”

  1. 25pesocupnoodles Avatar
    25pesocupnoodles

    hindi naman ikaw ‘yung Chef? (sipol, sipol, sipol)

    Like

    1. hindi Cup, hindi ako yung Chef haha. pero maglalagay din ako ng kwento ko soon ahehe

      Like

      1. 25pesocupnoodles Avatar
        25pesocupnoodles

        tila may nagbagong anyo dine…mainam.

        Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: