Ulan

Rain

Ulan. Maari bang maligo sa ulan? Umawit habang umuulan? Tumakbo, maglaro? O tumayo sa gitna ng kalsada at pakiramdaman ang bawat patak ng ulan na tumatama sa bunbunan, sa balikat, na dumadausdos pababa, hanggang sa mabasa ang kausotan at buong katawan.

Umuwi matapos pagsawaan ang buhos ng ulan. Humigop ng sabaw ng mainit na noodles at sawsawan ng monay na mainit na inilako ng mga binatilyong kahit malakas ang ulan ay naglalako ng mainit na tinapay sa hapon. Nakabisikleta, nakakapote, nasa likuran ang malaking kahong styro balot ng lona para di mabasa at lumamig ang mainit na tinapay.

Pakinggan ang maingay na patak ng ulan sa yerong bubong at ang pagbuhos ng naipong tubig sa alulod. Masdan and mga dahon ng mga puno sa bakuran na nagiging mas berde pa at mas matingkad. Pakinggan ang mga batang nagtatawanan sa labas ng bahay na naglalaro at nagtatampisaw.

*****

Minamasdan ko ang pagpatak ng ulan mula sa bintanang salamin ng aking opisina. Walang naglalaro, walang naliligo, walang batang nagtatampisaw. Minamasdan ko ito, habang kumakain ng kanin at menudong malamig.

8 thoughts on “Ulan

  1. ahaha, like po. isa ito sa posts mong naibigan ko, aysa… actually, dumaan lang me, napansin ko, may gravatar ang isa ryan, yey! hala, ambata mo pa tingnan sa retrato. you are young, my dear…

    handami mong angas sa posts, kay bata mo pa pala. rebelde ang ‘yong spirit, kapatid, hehe…. 😉 hey, lagay ka ng link ng isa mo pang site dito (para mabilis pumunta). haven’t been there in a while, hoho.

    happy new year uli! 🙂

    Like

    1. hahaha Ate San, tyempo ka at kalalagay ko lang nyang picture dahil ngayon ko lang natutunan ang gravatar na yan wuhahahaah. at syempre pinili ko ung picture na mukhang bata ako diba? wahahaha

      rebelde? haha. batang peyups eh hahahaha joke.

      Happy New yEar din sa iyo kahit Balentayms na wahahaha

      Like

      1. oo, tyempo nga. a, antagal bago nya naisip mag-gravatar, kainaman na. congrats for having done it, about time. hala, mukha ka kayang nagte-thesis pa lang sa pic, di pa na-graduate, hahaha.

        somebody who sounds like maraming angas sa buhay ba? pero neneng naman pala, hakhak. sya, ang sama ko… ^^

        hala, bad ka. ang aga mo magpaalala ng balentayms. 😉 bad ka…

        Like

  2. oo, tyempo nga. a, antagal bago nya naisip mag-gravatar, kainaman na. congrats for having done it, about time. hala, mukha ka kayang nagte-thesis pa lang sa pic, di pa na-graduate, hahaha.

    somebody who sounds like maraming angas sa buhay ba? pero neneng naman pala, hakhak. sya, ang sama ko… ^^

    hala, bad ka. ang aga mo magpaalala ng balentayms. 😉 bad ka…

    Like

      1. oo, e. mukhang nagte-thesis pa. dapat yong mukhang professional na, bagay sa isa pang site, hehe. hala, parang estudyanteng asa sm centerpoint, pag friday early evening, hakhak. nasa Dubai ka na, pa-epek ka nang onti, parang cosmopolitan, ready to meet the world, yihee. peace 🙂

        uy, di balentyms atmosphere dito. parang magpapasko pa lang – malamig. pati tubig sa faucet. yon lang, hehe. have a good weekend ahead… 😉

        Like

        1. hahaha SM centerpoint pa talaga. buti na lang wala akong pics na nakasabit sa patok na jeep. sayang ilalagay ko sana haha

          Saka na ung cosmopolitan effect haha feel ko pa yang mukang nagthethesis pa hahahahah

          happy weekend din sa iyo 🙂

          Like

  3. Pingback: Ulan | aysabaw

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s