Another Dubai Metro Escapade
-image from dubaimetro.eu
* note: tingnan ang imahe na ito para maka relate sa mga Metro Stations na babanggitin ko at ng makasunod sa daloy ng kwento
Pasado alas syete na ako umalis ng opisina. Naisip ko na โhay salamat, di na masyadong siksikan sa metro.โ Madalas kasi na kapag alas sais ako umaalis ng opisina ay inaabutan ko ang rush hour dahil oras na ng uwian ng mga nag oopisina. Kadalasan pag pasado alas syete na eh medyo maluwag na ang metro.
Pero nakalimutan ko. Hwebes pala ngayon. Day off ng mga katulong bukas, este weekend bukas. Hindi lang pauwi yung mga tao, yung iba paalis pa lang ng bahay para maglamyerda. Grabe ang daming tao. Sa Dubai Marina Station ako sumakay at bababa naman ako nyan sa Burjuman Station o yung dating tinatawag na Khalid Bin Waleed Station.
Pag sakay ko pa lang sa Dubai Marina Station halos puno na yung metro na kadalasan kahit rush hour ay hindi ganito ka puno. Madalas napupuno ito kapag nasa Mall of the Emirates Station na. May naka okupa na din sa paborito kong pwesto. Dahil 13 stations ang daraanan ko bago makauwi, lagi akong pumepwesto sa lugar na may masasandalan, sa sulok na hindi masyadong dinaraanan o kaya dun sa may corridor sa pagitan ng dalawang magkadugtong na โcars.โ Dun ako madalas pumepwesto kasi may masasandalan ako, pangalawa madalas ay ayaw doon pumwesto ng mga pasahero kasi lahat sila nagsisiksikan sa may harap ng sliding doors para madali silang makababa. Pero iba ang araw na ito at pati paborito kong pwesto ay may naka-okupa na kaya wala akong choice kung hindi tumayo sa may bandang malapit sa sliding doors.
Galing sa Dubai Marina Station ay may dalawang station na dadaanan na kung saan biglang dagsa yung mga pasahero, yun ay ang Mall of the Emirates at Dubai Mall station. Natural, malls yang mga yan kaya madami talagang pasahero. Pero sa Sharaf DG Station pa lang ay puno na kame at halos konti na lang ay maiipit na sa sliding door yung mga pasaherong nakatayo sa tapat nito. Nung makarating kame sa Mall of the Emirates Station, grabe ang daming tao. Ang malala pa, nakita na nga nilang sobrang puno na ay sumiksik pa sila. At ang mas malala pa pala ay extra large yung mga pasaherong sumampa. Naku po!
May isang babae na sa itsura na ay masasabi kong isa syang Russian. Extra large talaga sya. Tumingin sya sa may gawi ko. Sa bandang kaliwa ko kasi yung corridor sa pagitan ng cars, medyo may space pa kasi ng konti doon kaya gusto nya yata sumiksik.At bago sya makarating sa space na tinatarget nyang ma okupa ay kailangan nya munang dumaan sa aking harapan. Pero yung space na daraanan nya sa pagitan ko at ng kaharap ko ay mas maliit pa sa isang dangkal. Papaano naman sya dadaan doon eh kahit akong patpat ay hindi na makakadaan? Pero mapilit ang babaeng ito. Nagsumiksik sya. May isang lalakeng Pilipino ang nasa pagitan naming dalawa kaya kelangan nya munang dumaan sa harap ni Kuya, bago sa harap ko para makarating sya sa medyo maluwag luwag na area. Nagpumilit sya. At na i-stuck sya.
Nandun na lang sya sa harap ni Kuya.
Naging sandwich si Kuya.
Nakakaawa si Kuya.
Hindi pa sya nakuntento. Tuwing pepreno ay maniniksik sya kaya bandang huli ay nasa harapan ko na sya. Wala akong magawa. Ako na yung naging sandwich.
Marami talagang nagkakainteres ngayung araw na ito sa paborito kong pwesto na hindi naman talaga napagtutuunan ng pansin kapag hindi ganitong punuan ang metro. Sa mga panahong ganito kasi na siksikan, iyon lang ang pwesto na medyo may naiiwang space na kung saan pwede kang huminga. Mula sa direksyong pinanggalingan ng Russian na babae sa may kanan ko, may biglang sumulpot na Indian na lalake. Balbas sarado sya, payat na matangkad. Naka polo na checkered at nakataas ang kaliwang kamay nya, abot ng kamay nya ang kisame dahil matangkad sya. Hawak nya ang kisame para hindi sya matumba kapag nasandalan sya ng mga nagsisiksikan na mga tao o para makakuha ng balanse. Pero paano pala sya matutumba kung hindi na mahulugan ng karayom ang dami ng tao? Kahit nga hindi na sya umapak sa sahig ay hindi rin sya matutumba sa sobrang siksikan. Nakita ko syang papunta sa direksyon ko. Sa direksyon patungo sa paboritong pwesto ko.
Sumigaw sya โExcuse me, I wanna go there,โ sabay turo sa paborito kong pwesto na nasa bandang kaliwa ko.
Wala akong magagawa kung gusto nyang ang magsumiksik. Ang problema ko ay nakataas ang kaliwang kamay nya (and waving ๐ ). Hindi tulad dun sa babaeng Russian kanina, hindi ako nakipagsiksikan sa lalakeng ito. Bagkus nagpumilit akong umatras. Hindi dahil gusto ko syang bigyan ng daan, kundi as much as possible ayokong dumapo ang kahit anong parte ng katawan nya sa akin. Nagbigay ako ng daan sa kanya at inilayo ko ang mukha ko, ipinihit ko sa bandang kaliwa ang leeg ko na kung pwede at kung kaya lang ng leeg ko ang 90 degrees turn ay gagawin ko. Hindi ako huminga ng ilang segundo habang dumaraan sya hanggang sa makalampas sya hanggang sa di ko na mapigilan. Huminga na ako at ng may maamoy akong hindi maganda ay nagpigil hininga muli hanggang sa di ko na ulit kinaya. Nakahinga na ako ng maluwag matapos non. Sa dami ng tao ay siguro nasinghot na nilang lahat yung hindi magandang amoy.
Sa may Business Bay station, may sumiksik pang mag asawa. Sa itsura nila ay parang Russian sila, o baka Romanian. Yung babae ay sobrang payat. Yung lalake naman ay extra large ang size. Hindi ko maisip kung papaano ang ginawa nila at nakasikisk pa sila. At hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ng nasiksik nila. Yung lalake ay mukang goons (plural talaga? O pinuno ng mga goons), na medyo mukang rakista na medyo mukang laging nakaharap sa computer at naglalaro magdamag? Maputi sya na mahaba yung buhok nya pero hindi lalampas ng balikat. Light ang pagka itim ng buhok nya na wavy. May bigote at balbas din sya na mahaba na lumalampas sa baba nya. Nakasalamin sya. Bumaba din ang mag asawang ito sa sumunod na station, ang Dubai Mall.
Pagdating namen sa Dubai Mall station, mas madami pang pasahero ang nag aabang. Marami ang hindi na sumubok na sumiksik pero marami pa rin ang nagbakasakali pa at nung pasarado na yung pinto ay may humabol na dalawang lalake. Isang medyo may edad na na Pakistani, at isang African. Malaki ang katawan ni Mr. African at pinagpilitan nyang sumiksik. Bigla kameng may narinig na sigaw ng babae. Hindi sya yung tipo ng mahinhin na sigaw ng naiipit na babae, at hindi din matinis ang boses. Parang sigaw ni Tarzan. Babaeng Tarzan. Hindi sigaw na nagmamakaawa. Sigaw na nagsasabing “umalis ka dyan kung ayaw mong masapak at wag mo akong siksikin.” Boses babae pa din pero malaki at mababa. Boses ng isang amazona.Parang babaeng flinstones. Ang babaeng ito ay doon nakapwesto sa tabi ng pintuan. Naalala ko nga pala na pagsakay ko pa lang ay nandoon na sya at naunahan ko din pala syang bumaba.
Opinyon ko lang, kung malayo ang byahe ay hindi dapat pumwesto sa pinto kasi alam namang siksikan at malamang dadaan daanan iyon ng mga labas pasok sa metro. Pumwesto ka sa pinto kung matapos ang isa o dalawang stations ay bababa ka na din diba? Pero choice nya yan. At lumaban si Babaeng Tarzan. Tinulak nya si Mr. African hanggang sa makuha nyang muli ang kanyang personal space. May mga kabayan din na nag cheer kay Babaeng Tarzan.
โAyan sige itulak mo yang naniksik sayo.โ May mga lalakeng pep squad na biglang lumitaw sa aking likuran. โItulak mo pa.โ
Hindi ko napansin na ang katabi ko na pala ay mag amang Pilipino. Napansin ko na lang ito nung umiistyle na si anak na babae. Unti unti nya akong tinutulak para magkapwesto sya. Style Pinoy talaga. Parang nasa MRT lang. Ay hindi, parang nasa jeep lang. Yung tipong pinagpilitan ng konduktor na pasakayin ka pa. Sampuan daw yung jeep pero siyaman lang naman talaga kaya yung pang sampung pasahero ay halos kalahating pwet na lang yung nakaupo. Sa tuwing pepreno ay sasadyain ni pangsampung pasahero na manulak para magka space sya at makaupo ng maayos.
Pero napansin ko naman agad ang style nyang ito at nilabanan ko sya. Tinulak ko syang pabalik. Pero naintindihan ko ang sitwasyon nila at kung bakit nila ginagawa iyon. May dalawang Indian na lalakeng nakataas ang kamay (and waving ๐ )at sa mag-ama nakatapat ang direksyon ng nuclear bomb. Parang Nuclear War ang dinanas namen nung mga sandaling iyon. At sa gerang iyon, wala kaming kalaban laban.
Malapit na akong bumaba at tila imposible para sa akin ang makalabas ng buhay. Naisip ko na mag ra-round trip na lang siguro ako. Aantayin kong lumuwag at kung saan man ako makarating, dun na lang ako bababa at sasakay ng metro pabalik. Tutal maluwag naman sa kabilang linya.
Nabuhayan ako nung marinig ko sa mag asawang Briton na doon din pala bababa sa Burjuman Station.
โHow do we get out of here?โ sabi nung babae.
โJust go ahead and Iโll just push you outโ sagot naman ng asawa nya.
Sumunod ako mag-asawa. Ganyan kasi ang style ko pag punuan at parang imposibleng makababa. Susunod ako sa taong palabas ng metro, mas malaki yung size ng susundan ko mas maganda kasi mas maluwag ang space na madadaanan ko. Hahayaan ko silang makipag buno sa mga tao para makalabas at ako naman ay makikinabanang sa space na makukuha nila sa pamamagitan ng pag buntot sa kanila.
Dumating na kame sa Burjuman Station. Hindi pa kame nakakababa ay nagpapasukan na yung mga pasahero kahit may mga notice at instructions at drawings na kelangan palabasin muna yung mga bababa bago sumakay yung mga pasakay pa lang. Wala ng disiplina sa mga panahong ganito.
Mukang imposible na. Akala ko hindi na din kame makakababa. Pero nagulat ako. Biglang nagkaroon ng space sa harap ko. Ambilis ng mga pangyayari. Biglang nahawi yung mga tao na para bang nung nahati yung Red Sea para paraanin sila Moses para makatakas sa Egypt. Nakita ko yung babaeng Tarzan. Sumigaw na naman sya dahil naipit na naman sya at parang slow motion syang lumingon sa direksyon ko.
โJust go ahead and Iโll push you out,โ hindi ko alam na ganito pala ang ibig sabihin ng Briton na iyon. Nakita ko na lang kasi na yung legs nya ay nasa posisyon ng katulad ng batter sa Baseball na handa na para ihampas yung baseball bat nya sa humahagibis na bola. Yung kamay nya ay nakaposisyon sa likod ng asawa nya na katulad ng posisyon ng kamay ni Son Gokou kapag ginagamit nya ang Kame Hame Wave nya. Kiname Hame Wave nya ang asawa nya palabas ng pinto. Nahawi ang lahat. Ilang segundo din iyon bago nakabalik yung mga tao sa kanilang balance at nagmadali na akong lumabas habang may space pa at bago nila ma realize kung ano ang mga nangyayari at kung bakit parang kurtina silang nahawi.
May mga pep squad na naman na biglang lumitaw โWow dinaan sa laki ng boobs para makalabas.โ Ang hindi nila alam, hindi boobs ang may gawa ng eksenang iyon kung hindi ang Kame Hame Wave. Ako lang ang nakasaksi, o kung may iba mang nakasaksi ay hindi nila alam na Kame Hame Wave ang tawag sa technique na iyon.
Hindi ko alam na pwede pala gamitin ang Kame Hame Wave sa tunay na buhay. Nakapanood kaya si Mr. Briton ng Dragon Ball Z? Ano pa kayang ibang Anime moves ang applicable sa tunay na buhay lalo na sa mga emergency situations na tulad nito.
I’d love to hear from you!