Love Letter (para sa sarili ko)

Para sa aking Minamahal,

Sana ay nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang sulat kong ito.

Nagulat ka siguro ng matanggap mo ang sulat na ito mula sa akin. Wala akong maisip na ibang paraan para masabi sa iyo ang nararamdaman ko. Nauumid kasi ang dila ko kapag nakakasalubong kita at hindi ako makapagsalita.. Hindi ako makaharap sa iyo at nanlalamig ako tuwing nakikita kitang papalapit. Hindi ako makatitig sayo kaya tumatanaw na lang ako mula sa malayo.

Ilang araw na akong hindi makatulog sa kakaisip sa iyo. Hindi ko alam kung paano nangyari ito pero nagising na lang ako isang araw na ikaw na ang laman ng isip ko. Nakaukit sa alaala ko ang tamis ng iyong ngiti. Hindi ko makalimutan yung araw na nakasalubong kita. Matagal na kitang kakilala at lagi naman kitang nakakasalubong pero nagbago ang lahat nung araw na iyon.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa iyo at mula noon ay ikaw na lang ang nakita ko. Ang pungay ng iyong mga mata at ang ganda ng iyong ngiti. Ang ganda ng iyong mahabang buhok na hinahangin pa nung araw na iyon. Ninais kitang tawagin pero walang salitang lumabas sa aking bibig. Nanatili na lang akong nakatulala at nakatitig sa iyo hanggang sa ikaw ay makalayo.

Sana ay hindi ka magbago sa akin kahit na nalaman mo pa ang nararamdaman ko. Sana dumating ang araw na pumayag kang makipag usap sa akin kahit sandali lang. Pero masilayan lang kita kahit isang beses man lang sa isang araw ay lumulundag na ang puso ko sa tuwa.

Wag mo sana isiping nambobola lang ako, totoo lahat ng mga sinabi ko at tunay ang nararamdaman ko para sa iyo. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mapatunayan sayo na tunay ang pag-ibig ko.

Hanggang dito na lang.

Nagmamahal,
Isang taong hindi nakatanggap ng love letter sa talambuhay nya

PS. Salamat sa teknolohiya at ginawa mong convenient lahat. Puro love quotes, text at pm na lang ang natatanggap ko.Wala na tuloy nag eeffort na magsulat. Nawalan ako ng chance na makatanggap ng isa sa mga priceless at napaka romantic na bagay sa mundong ito. Pero teka, wag isisi lahat sa teknolohiya. Opposite attracts diba? Di kaya walang na-aattract na romantiko at sweet sakin dahil ubod na ko ng tamis? Hmmm, naalala ko nga pala –always add salt and pepper to taste 

6 responses to “Love Letter (para sa sarili ko)”

  1. ahaha, naipangank ka lang siguro five years earlier, abot na abot pa sa period ng sulatan sa statio. you missed it by a hairline, hihi. warm regards, kapatid. hope you are warm and kept. 🙂

    Like

    1. inabutan ko pa talaga na nagsusulatan ang mga Tita ko at mga ka love team nilang kapitbahay namen at sa intermediate paper lang nakasulat. Hmp. Nag ipon pa ako ng stationary nung elem at high school kala ko magagamit. Hmp…..naging parang kayamanang nakatago sa baul yung mga stationary ko at sinama na lang ni Ondoy kasi daw wala naman akong sinusulatan…acheche…..

      waving here Ate San…. 🙂

      Like

      1. 25pesocupnoodles Avatar
        25pesocupnoodles

        yan talagang ondoy na yan, inanod pa ang iyong statio.

        Like

        1. oo nga, nawala tuloy mga childhood kayamanan ko tsk

          Like

          1. 25pesocupnoodles Avatar
            25pesocupnoodles

            mas mahirap matanggap kung may nakasulat sa mga statio mo, hehehe. diba?

            Like

          2. ahehe.. mabuti nga at walang nakasulat whahaha

            Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: