Napanood ka na din yung latest episode haha. Bakit ganon? Itong latest episode lang ang napapanood sa ustream. Yung mga earlier eps hindi ma-play….Anyways…
So ang napagdiskusyunan ng sambayanan nitong nakaraan ay ang topic na #SayangKa, pero bandang huli nauwi sa amoy mandirigma, amoy kalaban, amoy misteryo, team hipon, team lollipop, team buko, team dalag, team bulalo at team saranggola (harhar- natatawa ako habang naalala ko ang mga tweets na binabasa ni Rico and Miggy sa episode na yan). Grabe. Lulupet mag-isip, (babastos pa haha).
Nag-umpisa ang lahat sa mga #SayangKa moments tulad ng: (medyo marerephrase ko na yung iba dito ha kasi humihina na memorya, di ko na maalala exactly yung mga words na ginamit)
Teacher na may masteral/doctorate pero di nagtuturo ng maayos. #sayangka
Guy na mahilig mag-gym pero everyday nagseselfie #sayangka
Gwapo, pero kabisado ang winning answer ni Megan Young sa Miss World. #sayangka
Last bite sa paborito mong food pero nahulog pa, (hindi daw sayangka, sayang yung food)
Guys na gwapo, pero gwapo din yung type #sayangka
(syet natatawa ako mag-isa habang inaalala ko yung mga pinagsasabi nila Miggy at Rico)
Maganda/gwapo pero amoy mandirigma. #sayangka
Well anu ba ang amoy ng isang mandirigma, sabi daw nila Rico kaamoy bay an ng mga Katipunero’s or something haha. Anu nga ba ang amoy ng isang madirigma? Nakaamoy ka na ba ng mandirigma? Kung kanino mang ideya to haha, ang lupet mo tsong.
Anu pa ba yon, may nagsabi bang – Maganda at seksi nga pero wala naman laman ang utak? Parang binanggit ni Miggy na nakakapanghinayang nga yung maganda tapos maririning mong magsasabi ng “It’s not my lost.” ( Hahahaha RIP English) At dyan na nagsimula yung usapang team hipon and team lollipop. Kung sino daw ba ang mas pipiliin nyo, hipon (meaning katawan lang ang mapapakinabangan) o lollipop (na mukha lang ang panlaban). Sabi ni Miggy team lollipop daw sya kasi pwedeng ipagyabang sa social sites kung half body lang ang picture hahahaha. So ganto pala definitions ng mga ano bang tawag dito, types of girl/guy?
Hipon : Katawan lang ang may pakinabang, tinatapon ang ulo
Lollipop : Face Value lang (may nagtweet, pwede na daw yung lollipop, kain kain na lang
din ng gulay hahaha)
Dalag : Girl na may bigote? (Haha nakalimutan ko yung definition ni Rico)
Buko : Walang face, walang katawan, pero malinis ang kalooban
Saranggola : Maganda lang sa malayo (hahaha, for the win daw yung team saranggola)
Bulalo : Puro utak lang daw?
Grabe, basta ako none of the above ako hahaahah. May mga iba pa bang types of girl/guy bukod dyan sa mga nabanggit?
I’d love to hear from you!