Ilang beses ko nang nakita sa twitter yang #ricomiggyshow na yan eh pero di ko kasi alam kung anong time slot or kung saan mapapanood kaya deadma lang. Pero nung nakaraan ay biglang bumulaga saken yung link so napanood ko na yung episodes -2 and -1.

-2 Pilot Episode
Natatawa ako sa pagtawa nyo. Natatawa din ako sa reaksyon nyo sa mga nababasa nyo sa tabloid. Tuwing naalala ko yung show, napapangiti na lang ako mag isa. First time din ata sa history ng media na yung mga “DJ” ang tumatawag sa mga nakikinig. Pag nagmiscall sila, tatawagan nyo naman. Ibang level kayo, Rico and Miggy. Ang ganda ng show nyo, nakaka uplift ng spirit haha (Peace).
-1 Usapang Dekada
Nainggit naman ako. Late ko na kasi napanood, sana kung nalaman ko to ng mas maaga nakapagtweet din ako para masaya. Pero dahil sa topic nyong iyan, marami akong naalala tungkol sa aking kabataan ahehe. Ok, it’s better late than never ika nga. Di man ako nakahirit sa show nyo, dito na lang ako magrereminisce sa blog ko. Ano nga ba yung mga nauso noon at ano nga bang mga pinaggagawa ko noon para makiuso haha. 80’s kid ako (tama ba kasi 1985 ako pinanganak? ) at ito ang mga trip namen noon:
1. Mag ipon ng POG at NBA Cards
2. Maglaro ng dampa
3. Mag-ipon ng wallet size pics ng mga artista ng TGIS
4. Bumili ng poster ni Marimar at Pulgoso
5. Manood ng Flying House at Superbook
6. Manood ng Takeshi’s Castle, E-woks at Are you afraid of the dark? (tapos tatakutin ang sarili)
7. Sumayaw ng MMbop
8. Makipag away sa mga fans ng Moffatts at Hanson
9. Mangolekta ng songhits
10. Kumain ng Potchi
11. Makipag phone pal
12. Sumulat sa idol mong artista (kahit di mo alam kung natatanggap ba nila)
13. Makipag penpal
14. Maghulog ng piso sa jukebox sabay pumili ng kanta ni Roselle Nava o kaya ni Tootsie Guevarra
15. Kiligin sa Meteor Garden at kantahin yung mga songs nila kahit di ko naiintindihan
16. Pakinggan ang music ng Eheads at Rivermaya
Haha, anu pa ba? Nakalimutan ko na yung iba, pero nakakatuwa pag naalala.
Incase mabasa nyo to corics and miggy (na may 1% probability out of 100%), natutuwa ako sa inyo promise. Gusto ko din makijoin sa gulo nyo at ng audience nyo kaso iba ang oras ko dito. So by the time na nagsisimula na yung show nyo, baka nasa office pa ako or baka bumabyahe na ko pauwi at baka pag-uwi ko ay tapos na ang show nyo. So aabangan ko na lang sa ustream and then write a blog about your topics haha (sobrang huli sa balita). And kung sino man nag-isip ng konsepto ng show na ito, haha –you’re full of awesomenessessess 🙂
Pag nakatyempo ako tatawagan ko kayo haha…kahit mahal ang international call ^__^
_________________________________________________________________________________
mapapanood ang #ricomiggyshow dito
http://ricoblanco.wordpress.com/2013/09/04/rico-miggy-show-ep-2-test-broadcast/
or
http://www.ustream.tv/channel/ricoblanco
I’d love to hear from you!