OFW po, hindi Bangko Sentral

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang OFW? Overseas Filipino Worker? Mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa?

Isa akong OFW at pitong taon na akong nangingibang bansa kaya sa tagal ng panahon, nalaman kong marami pa palang kasing kahulugan ang salitang OFW (acronym pala hindi salita). Ang kahulugan ay depende sa taong nakakarinig o nakakaunawa nito.

from definitelyfilipino.com
from definitelyfilipino.com

Ilan sa mga ito ang kahulugan ng OFW:

Para sa mga aalis pa lang ng bansa at magiging OFW pa lang: excited na malungkot, ninenerbyos, di alam kung anong magiging kapalaran sa ibang bansa, iniisip pa lang ang dalawang taong kontrata sa ibang bansa namimiss na agad ang pamilya, pero kailangan magtiis dahil para rin ito sa kanilang kinabukasan

Para sa mga nasa ibang bansa na o OFW na: overtime, sideline, magtipid na lang sa pagkain para mas malaki ang maipadala pwede na ang itlog at cup noodles, kelangan may maipakahon, kelangan may bagong gadget si junior, at bagong sapatos si kuya, ginto kahit 20karats lang, pangtuition ni anak, pampagawa ng bahay, lcd tv, kelangan meron akong maiuwi kaya itutulog ko na lang ang day off ko para wala na kong gastusin, kelangan magipon. Miss ko na ang pamilya ko pero kelangan magtiis. Malapit na ako umuwi pero wala parin akong naipon, mangungutang na lang ako para maraming maiuwi at babayaran ko na lang pagbalik ko. Isang beses lang ako sumesweldo bakit tatlong beses sila humihingi ng padala? Masasapak ko na tong amo kong ibang lahi na to at lagi na lang akong pinag iinitan kala mo naman marunong, pasalamat sya at kailangang kailangan ko ng pantuition ng anak ko kung hindi ay di ako magdadalawang isip na saktan sya kahit materminate ako sa trabaho at mapauwi na lang. Mahirap magkasakit na nasa malayo ka, walang mag-aalaga kaya iindahin ko na lang ito at papasok ng trabaho. Sayang ang iaabsent kakaltasan pa ng isang araw na sweldo.

Para sa mga naiwan na nagmamalasakit sa kapamilya nilang OFW: may pantuition na ko, di na kelangan magtrabaho nila lolo at lola, may pampagawa na ng butas na bubong, di na kelangan magbenta ni ate ng bibingka sa school, makakatunton na din ako ng kolehiyo, makakapagpundar kami kahit maliit na tindahan lamang, namimiss ko si nanay, namimiss ko si tatay, ayos lang kaya sila sa lugar na iyon? Pagiigihin ko ang pag-aaral para di masayang ang pinaghirapan nila at nang sa ganon makahanap din ako ng magandang trabaho at di na nila kailangan pang mangibang bayan

Para sa mga naiwan na walang pangunawa: yes may balikbayan box, sapatos, M&Ms at Toblerone, ginto, lcd tv, may pang inom, imported na alak, make up at pabango, di na kailangan magtrabaho ng mga kapatid,pinsan at pamangkin at dun na lang makitira sa kamag anak na nasa abroad, one day millionaire, pag naubos na ang pera manghingi na lang ulit, malakas naman silang kumita doon

Para sa anak na walang pakundangan: kelangan Marithe Francoise de Girbaud or Tribal ang damit ko, lilibre ko kayo sa restaurant mga repapips cutting classes na tayo, imported gadget ko at latest pa, walang kwentang mga magulang to iniwan ako mag isa. Di na ko papasok, magrerebelde ako, panglalaro ko na lang ng dota yung ipapadala nyo, saka pang date namin ng gf ko

Para sa mga kaibigan na akala’y madali kumita ng pera sa ibang bansa: pahiram naman ibabalik ko na lang sayo pag nakaluwang, matapos ang ilang buwang hindi pa nakakabayad ay nanghihiram na muli, pag hindi napahiram magtatampo at sasabihan ka pa ng madamot

Para sa mga sangay ng pamahalaan na walang konsiderasyon: singilin na agad yan ng travel tax at kung ano ano pang fee bago pa man din umalis tutal mababawi naman nila yan pag sumweldo na

Para sa mga kapitbahay na naiinggit: aba umaasenso na sila ang yabang na, nakapag abroad lang akala mo kung sino na

Sinulat ko po ito para lamang po maunawan ng mga kinauukulan ang dapat na maunawaan. Wala po akong ibang intensyon na masama at di ko nais na makasakit. Para lang po ito sa mga taong dapat mamulat ang mata.

Ang mga ofw po ay empleyado din na katulad nyo na nangangamuhan sa ibang bayan. Para sa ilang libong higit na sinusweldo nila ay nakakaranas po sila ng hirap, pagtitiis at pangungulila. Panahon ang kalaban nila. Ilang birthday, pasko at bagong taon ang dumaraan na di nila kapiling ang pamilya nila kaya hindi po ganoon kadali. Sana rin po maunawaan nyo na ang mga OFW po ay hindi Bangko na pwede kayong mag withdraw kahit kelan nyo gusto. Hindi po sila namumulot ng ginto at dolyares sa ibang bansa. Nagtatrabaho po sila.

13 responses to “OFW po, hindi Bangko Sentral”

  1. tama lahat ang sinabi mo.

    Like

    1. salamat po Plaridel Sir, sana lang wala namang maka misinterpret 🙂

      Like

  2. arviethegreatindie Avatar
    arviethegreatindie

    tama ka jan. dati nung college ako di ko naisip paghihirap ng mga ate ko sa SG. ngayong may trabaho ako bigla kong nareliaze paghihirap nila. di man ako nagtatrabaho sa ibang bansa, alam ko na pano magbanat ng buto.

    Like

    1. hihihi, ayus lang yan at lieast natuto ka na hehehe

      Like

  3. i love this post. title palang eh. ❤ I love your honesty sa mga posts mo. super tooting tao! bout to follow your blog. Pakifollow din sana ako. I'm all the way in NYC starting my blogsite. bago lang and i'd appreciate your support!

    Do follow me on Instagram and Twitter te: aislinnpaula. 🙂

    see you around! Ingat!

    Liked by 1 person

    1. ui salamat sa pagbabasa at welcome to blogosphere! see yah around…

      Liked by 1 person

      1. See you around. Follow me on IG and Twitter kung meron ka: aislinnpaula. Pashout out nadin if you don’t mind ha! Just trying to get my blogsite out there. 🙂

        Liked by 1 person

        1. meron ako parehas pero di ko maalala ang password ha ha…

          Liked by 1 person

          1. haha nubayan! sige pashout out nlng sa site mo. 😛

            Like

          2. ha ha…sige sa mga susunod kong post…sensya na…jutanders na me kaya di ko na maalala ang napakaraming password..at tinatamad na me magupdate ng IG at twitter hahahah

            Liked by 1 person

          3. Hehe okay! asahan ko yan ha! Thank you!

            Liked by 1 person

  4. Natamaan ako don ha 🙂

    Liked by 1 person

  5. […] nagshare din nung most read article ko tungkol sa HRM tapos meron ding nagshare sa fb ng post kong OFW Po, Hindi Bangko Sentral. Itong post ko tungkol sa OFW, naka copy paste sa status ng isang facebook page though may […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: