Metro – tawag sa MRT/LRT sa Dubai
Maraming tao ang naguunahan kada umaga para maka-upo o kaya ay makahanap ng magandang pwestong may masasandalan sa loob ng metro. Ngayon ay nakahanap ng magandang pwestong masasandalan habang nakatayo kaya magsisimula na akong magsulat nito habang nakikinig ng musika. Ang isusulat ko ay tungkol sa mga pangyayari sa loob ng metro sa loob ng 45minutes. Timer starts now.

May isang lalakeng may dalang skateboard at may malaking bag pack. Sinagi nya ako at halos mahulog itong celphone ko. Di man lang nagsorry. Di mo alam na nakasagi ka o wala ka lang pakialam? Si mamang naka green na polo naman na nasa harap ko isinandal ang mukha at natulog. Natutulog na nakatayo? Gumimik ka ba o nag overtime ka kagabi? May marka ng plantsa yung damit mo. Di ka ba makabili ng bago o may sentimental value lang talaga sayo yang polo mo? May mag-asawang turista na nagbabasa ng mapa. Naghahanap o naliligaw?May isang lalakeng parang hindi naligo. Andungis ng damit. Ang kapal ng kalyo sa sakong at nangingitim pa. Palipat lipat sya ng pwesto, patingin tingin sa mga tao. Naliligaw ba? Nalilito? O naiinip ka lang kaya kung ano ano ang trip mo?
Uy may tumayo, chance na tong makaupo naman din. Ay si kuya, nakipagbalyahan pa sa babae. Hindi gentleman? O mahina lang talaga ang tuhod? O makapal lang talaga peslak? Sila ate naman ang lakas ng kwentuhan tungkol sa issue nila sa bahay nang nakaraang gabi. Tsismis? O ….tsismis nga.
I’d love to hear from you!