Kwento sa loob ng metro

Metro – tawag sa MRT/LRT sa Dubai

Maraming tao ang naguunahan kada umaga para maka-upo o kaya ay makahanap ng magandang pwestong may masasandalan sa loob ng metro. Ngayon ay nakahanap ng magandang pwestong masasandalan habang nakatayo kaya magsisimula na akong magsulat nito habang nakikinig ng musika. Ang isusulat ko ay tungkol sa mga pangyayari sa loob ng metro sa loob ng 45minutes. Timer starts now.

Kung ayaw mo masiksik pwedeng bumili ng gold card para sa gold class ka maupo kaso doble ang bayad
Kung ayaw mo masiksik pwedeng bumili ng gold card para sa gold class ka maupo kaso doble ang bayad

May isang lalakeng may dalang skateboard at may malaking bag pack. Sinagi nya ako at halos mahulog itong celphone ko. Di man lang nagsorry. Di mo alam na nakasagi ka o wala ka lang pakialam? Si mamang naka green na polo naman na nasa harap ko isinandal ang mukha at natulog. Natutulog na nakatayo? Gumimik ka ba o nag overtime ka kagabi? May marka ng plantsa yung damit mo. Di ka ba makabili ng bago o may sentimental value lang talaga sayo yang polo mo? May mag-asawang turista na nagbabasa ng mapa. Naghahanap o naliligaw?May isang lalakeng parang hindi naligo. Andungis ng damit. Ang kapal ng kalyo sa sakong at nangingitim pa. Palipat lipat sya ng pwesto, patingin tingin sa mga tao. Naliligaw ba? Nalilito? O naiinip ka lang kaya kung ano ano ang trip mo?

Uy may tumayo, chance na tong makaupo naman din. Ay si kuya, nakipagbalyahan pa sa babae. Hindi gentleman? O mahina lang talaga ang tuhod? O makapal lang talaga peslak? Sila ate naman ang lakas ng kwentuhan tungkol sa issue nila sa bahay nang nakaraang gabi. Tsismis? O ….tsismis nga.

Walkalator sa metro
– ito naman ang walkalator

2 thoughts on “Kwento sa loob ng metro

  1. hello, trip chronicler… ey, may walkalator na rin sa ‘tin. sa airport at sa rustan’s ata ako nakakakita nyaan. owki sya pag pagod, hehe. pag di naman, oks pa ring maglakad lang sa tube, unaided… 😉

    Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s