Ngayon lang kita muling nakita. Kelan pa ba yung huli? Halos isang dekada na yata. Halos nakalimutan ko na.
Ganitong araw din yata iyon, Huwebes – nung una kong narinig ang salitang forever. Hindi ko halos maituwid ang katawan dahil pinipilipit ng mga paru paru ang aking tyan. Hindi malaman kung papaano pipigilin ang pagngiti at kung paano pupulbusan ang namumulang pisnging madalas naman ay maputla. Nilalamig ang palad at pinagpapawisan ng malamig. Ito pala ang ibig sabihin ng forever.
Hatid sundo. Magkahawak kamay habang naglalakad. Bumibili ng sorbetes kay manong. Tumatambay sa may palaruan kahit hindi naman mga bata. Nagkukuwentuhan sa kinahapunan at nagtatawanan. Parang walang katapusan. Ang saya naman ng forever.
Nagsimula na tayong bumuo ng mga pangarap. Bawaβt isaβy naging abala sa kani kaniyang buhay. Wala nang sundo. Wala na ring hatid. Wala ng tawag, madalang na lang na mensahe. Wala ng sorbetes, wala na ring dapit hapon. Kanya kanyang kape sa tabi ng mesang punong puno ng papel na kahit magdamagin ay hindi mauubos. Nawala na sa isip yung forever.

Di nagtagal ay nagkaroon pa ng mas malayong distansya at napagkakilanlan na ang mga pagkakaiba. Nagkaroon ng sari sariling mundong inikutan, may kanya kanyang pinagpilian. Naging malamig ang panahon, hindi na pwedeng kumain pa ng sorbetes. Hindi na bata para magpunta sa palaruan at hindi na rin pwedeng magi sip bata. Wala na talaga yung forever.
Pagkatapos ng isang dekada, saka ko lang ulit naalala yung forever, halos nakalimutan na nga. Nakakatawa naman. Naalala nya din kaya yung forever? Sabagay hindi na iyon mahalaga. Parte na lang iyon ng mga alaala ng dapat daw ay magiging forever.
I’d love to hear from you!