Goto

Kahapon, habang naglalakad ako pauwi ay bigla kong naisip na gusto kong kumain ng goto. Naisip ko din na subukang magluto. Hahaha. Never pa ako nagluto ng goto. Sa isip isip ko eh ang information naman ay ‘just one click away’. So pag uwi ko sa bahay ay dali dali akong nagbukas ng laptop at nagsearch ng madaling recipe ng goto. Search search search. Ilang minute pa ang nakalipas ay may nahanap na ako. Sabi ko, ayos to ah din a kelangan ng chicken o ox tripe at kung ano ano pa. Simple. (ang yabang ko di ba?)
Ingredients

Garlic
Onion
Ginger
Ground pepper
1 cup rice (normal/glutinous rice mixed)
6 cups water
1 tbsp patis
Chicken cubes
Boiled egg

Ayus! Yan lang pala ang ingredients at meron nako nyan pwera sa luya at patis at chicken cubes. So nagmadali naman akong lumabas at bumili ng ginger at patis. Nakalimutan ko bumili ng chicken cubes. Tsk. Tsk. Nu ba yan kung kelan naman malapit na ako sa bahay saka ko pa naalala yung chicken cubes. Anyway, may shrimp cube ako baka umubra na iyon. Pagdating sa kusina, sinimulan ko nang gawin kung ano man ang mga nabasa ko sa internet na paraan ng pagluto ng goto.

Procdure
A. Hard Boiled Egg
1. Hugasan ang itlog at isalang sa kaserolang madaming tubig.
2. Pakuluin at tantyahin.
3. Di ko alam kung ilang minuto dahil di ko inorasan.
4. Tinantya ko lang kung luto na at tinanggal ko na sa apoy. Basag pala ang isang itlog kaya nagkaroon ng white bubbles ang tubig.
5. Nilagyan ko ng malamig na tubig ang itlog para mabalatan ko ito.
6. Nyak, soft boiled sya.

B. Goto
1. Masaya akong nag chop ng onion, garlic at ginger. Ginisa ko ito sa mantika.
2. Naglagay ako ng anim na cup ng tubig. Inantay ko itong kumulo.
3. Nang kumulo na ang tubig, nilagyan ko ito ng patis at inilagay ko na ang kanin.
4. Nag antay ako ng mga 15 minutes at binalikan ko ulit ang aking niluluto. Haha, medyo paluto na ang kanin. Halo dito, halo doon.
5. Tinikman ko ang sabaw at pwe! Lasang kanin. Nilagyan ko ito ng shrimp cubes.
6. Syet ansama ng lasa.
7. Dali dali ko itong nilagyan ng patis at paminta.
8. Iniwan ko ulit. Browse browse muna ulit para I check kung tama ba ang pinag gagagawa ko.
9. Binalikan ko ito matapos ang 15 minutes. Gosh, anong nangyari. Bakit nagiging kanin sya. Hinigop nya lahat ng tubig.
10. Dali dali akong nagpakulo ng tubig. Pinuno ko yung kettle, wala nang sukat sukat at ibinuhos para di maging malabsak na kanin ang aking goto.
11. Ninenerbyos na ako. Baka masayang ko ang pagkain. Buti dumating si Ate A na aking flatmate. Sabi nya iwan ko lang daw muna hanggang madurog ang kanin.
12. Iniwan ko sya ulit pero ayaw madurog nang kanin. Lalo lang syang umaalsa. Sabi ni Ate A, pwede na yan timplahan mo na. Sabi nya din na mas maganda kung luto na yung kanin na gagamitin para sa pagluto ng goto.
13. Sabi ko, Ate wala akong chicken cubes. Sabi nya sya meron. Pagtingin nya sa kanyang cabinet, beef cubes lang. Lumaki ang aking mata, ayoko ng beef flavor pero no choice. Kelangan magkaron ng lasa ang aking goto kung hindi ay magmimistula itong am.
14. Nilagay ko ang beef cubes, dinagdagan ng patis at paminta.

Lesson Learned.
1. Wag basta basta maniniwala sa mga recipe na makikita online.
2. Magkaiba ang sukat ng cups ng solid at liquid ingredients.
3. Maging matyaga. Lahat ng problema ay may solusyon. Wag susuko.

Sa kahuli hulihan naman ay masarap ang naging lasa ng aking obra maestra. Tsaraaaann!

Goto

PS. Sinusulat ko itong Moonlight Diary habang kumakain ng goto.

Ito, ang tunay na sabaw ^__^

9 responses to “Goto”

  1. hahaha. ang dami kong tawa, dear. naaliw ako sa A6, sumoft boiled ba naman. mas maraming tawa sa B5, tahaha. saka B13. saka sa lesson learned – what to do, eh? ^^

    ayos yaan, kapatid. about a dozen pang kitchen misadventures, samahan ng unlimited optimism, before you know it, level na pang-chef ka na, tamo. tahaha… 😉 hullow…

    Like

    1. tahaha…ikakahiya ako ng aking mga propesor….nakatapos ng HRM di marunong magluto ng goto….tahahahaha…anyways…may 2nd round ang goto ko…ngayong alam ko na kung ano ang mga hindi dapat gawin hahahaha

      Like

      1. kailangan mo soul-searching, kapatid… nahahalatang kumain ka lang ng goto sa may PUP all those years… di mo man lang naisipan paano ito niluluto. mag-reflect ka before your second daring kitchen sabak, tahaha. 😉 kaway-kaway…

        Like

        1. tahaha…palibhasa may unli-goto sa Teresa…

          soul-searching talaga? hahaha….iniisa isa ko na ngang pag-aralang lutuin ang mga paborito kong pagkain. Ang mahal ng goto dito eh..tahahaha…. 10dirhams ang pinakamurang goto dito which is equivalent to more than 100pesos ang isang serving tahahaha…grabe pag nagconvert…haha…mamasterin ko na lang ang pagluluto ng goto..hihihihi

          Like

          1. ahaha, di me mahilig sa goto. twice or thrice a year, oks na sa ‘kin. di ko pa na-try ang unlimited goto. although, mahilig akong magmasid sa mga kumakain ng goto, ang sama… mas kanin girl ako, hihihi.

            sa probinsya namin pati, iba ang goto… meat sya with sabaw – very tasty. mga lamang loob daw yon ng baka… dito sa MM, ang goto, lugaw na may itlog, hakhak… yong cinrave mo, harhar… unli sa PUP…

            about 110 pesos? mahal nga. hwag kang mag-convert at ituloy mo pati experiment sa lutu-luto… HRM ka naman, sabi… hihihi, di kita isusumbong sa titsers mo, hard-boiled egg lang, di pa maalam, tahaha. buhay-singol nga naman… good night, aysabaw… 🙂

            Like

  2. 25pesocupnoodles Avatar
    25pesocupnoodles

    oh, kelangan ko ba sundan ang recipe mo o dapat maghanap ako ng iba? hihi, nakakatakam ang kulay ng goto mo.

    Like

    1. mmm….wag mo na lang sundin at baka sisihin mo pa ako sa magiging kalalabasan ng goto mo tahahaha..

      kahit paano naman ay masarap ang kinalabasan ng goto ko…hihihi

      Like

  3. […] hindi na ako nadala sa pagluluto. Matapos ang aking Goto experiment, heto na naman ako. Pero this time, sakto lahat (hehe, hindi sya nagmukhang […]

    Like

  4. […] naman ako magluto. Oo marunong talaga ako (kailangan makumbinsi ka). Marunong akong magluto ng goto, ramen at pork steak, at marami pang iba. Huwag niyo lang akong paglutuin ng sinigang, tinola o […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: