Moonlight Diary

Moonlight Diary

Humaling na humaling ako sa Korean soap na Arang and the Magistrate at halos matatapos ko na nga ang panonood dito, online..hihi. Si Arang ay isang multo na humiling sa Jade Emperor (na nasa langit) na pabalikin sya sa mundo upang malaman nya ang dahilan ng kanyang kamatayan. Ang tanging naalala nya lang kasi ay nung sinundo na sya ng Grim Reaper papunta sa kabilang mundo. Maliban doon, wala na syang maalala sa kanyang naging buhay sa lupa.

Nakita ni Magistrate ang diary ni Arang sa kanyang kwarto noong sya ay nabubuhay pa at binigay ito sa kanya. Nung mabasa ito ni Arang ay muling nagbalik ang kanyang nadama nung una nyang nakita ang lalaking kanyang unang inibig.

Unang Pagtibok ng Puso

Hindi ko pa alam kung ito din ang makapagbibigay sa kanya ng kasagutan sa mga tanong nya (dahil di ko pa natatapos ung telenovela), pero kadalasan sa mga palabas na tulad nito ay malaking bagay ang ginagampanan ng mga diary sa takbo ng kwento.

Kamakailan lang din ay binuklat ko ang aking lumang kwaderno na nagmistulang diary ko, magtatatlong taon na ang nakalilipas. Natawa ako, tunay ngang nakapagpapabalik ng maraming alaala ang isang diary. Pero ang kwadernong iyon, ninais ko nang itapon. Di tulad ni Arang na naramdaman muli ang unang pagtibok nang kanyang puso nung mabasa nya ang diary nya, ako naman ay nakaramdam ng kaunting paghihinagpis pa at pagsisisi sa mga hindi magandang desisyon na ginawa ko noon.

Naalala ko nung panahon na sinusulat ko ang mga laman ng kwadernong iyon. Mapait. Malungkot. Umiikot pa ang utak ko sa konseptong may isang taong hahanap sa kwaderno ko balang araw at babasa sa mga laman nito. Na makikidalamhati sya sa akin at makikiramay sa mga sakit na nadama ko. Ngunit di ako si Arang. Di ako bida sa isang telenobela. Sino ba naman ang hahanap sa diary na aking isinulat? (May isang Prince Charming ba na makakapulot sa Diary na iyon at malulungkot sya sa aking mga sinapit at maiinlab sya sa akin at hahanapin nya ako at tutuntunin nya ako sa pamamagitan ng Diary na iyon at marami syang tatahaking kapahamakan bago nya ako matunton? haha…nananaginip ng gising!- ok tuloy sa seryosong usapan.)At kung magandang alaala ang nabalik tanawan ni Arang sa kanyang mga nabasa, ang akin ay kabaliktaran. Hindi ko na din pala dapat pang basahin iyon. Kung may isang taong nakabasa sa sinulat ko noon, ako lang din naman at mabuti ngang wala nang iba pang makabasa. Wala naman akong misteryo o katotohanan na nais pang hanapin. Ang kwadernong iyon ay makapagbubukas pa nang isang malalim na sugat na matagal nang naghilom. Minabuti kong itapon na ito sa lugar na kung saan ay walang makakaalam kung sino ba ang may akda ng mga nakasulat doon at kasabay nito ay ang tuluyan nang paglimot sa pait nang nakaraang pag-ibig.

P.S. Sinusulat ko ito habang kumakain ako ng goto. (May isusulat din ako tungkol dyan)
P.S. Ulit. May kinalaman ito sa post kong Kwaderno na medyo magulo ang pagkakasulat at nagmagandang mag-theme song ng kanta ng Sugar Free na Kwarto.

4 responses to “Moonlight Diary”

  1. “Sino ba naman ang hahanap sa diary na aking isinulat?” nanay mo? tahaha… 😉

    Like

    1. Feelingera lang Ate San, hahaha

      Like

      1. haba, ang iyong one and only, great love… di ba may gano’n? kumbidahin mo ako, ha, pag natagpuan ka na nya, kapatid… damihan mo handa, hihi. pangmagsasaka pa karami kung ako’y kumain, hakhak. 😉 g’night!

        Like

  2. […] Sinusulat ko itong Moonlight Diary habang kumakain ng […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: