May mga araw na magulo ang buhok ko, yung tipong parang ang konti lang ng conditioner na nailagay ko kaya siguro medyo fizzy pero naman the next day pag mas maraming conditioner na ang nailagay ko eh umaayon na sya sa takbo ng panahon. Kinky kasi ako kaya kelangan ko laging magpa rebond kung ayaw ko ng bad hair day. Kaso lang tinoyo ako ngayon kaya ayaw ko munang magparebond ng ilang buwan. Ayan. Araw araw na lang tuloy, nagrerebelde ang aking buhok. Dagdag pa kamo ang init ng tubig na lumalabas sa shower dahil shower na naman sa disyerto tahaha….

Naisip ko na palagi na lang ako nagpapa rebond, eh kung magpakulot na lang kaya ako para maiba?

Ok, hindi ko idol si Taylor Swift pero inaamin kong napakaganda ng buhok nya dito. Kaso kung magpapakulot ako ng ganyan, bagay kaya? Saka hindi naman ako blonde? Isa pa baka hindi naman yan kayang gawin ng chekwang parlorista dito. Hmmm….At saka para namang pag ganyan ang hairstyleko eh laging red carpet premiere ang pupuntahan ko..Tahaha…feelingera
Ok naman ang ganitong style, ang ganda nya tingnan at mukang fresh kaso neg-neg ako. Baka magmuka akong….ahehe…wag na lang
Mmmm. ok yung hairstyle nung girl ang tinitingnan ko dito ha…ayoko ng gupit lalake..tahahah…bagay kaya sa ken ang maiksing buhok? Corporate look din ito haha…
Kaloka…nalito na ako…kelangan ko nang matigil ang bad hair days na ito huhuhuh
I’d love to hear from you!