Nahihirapan na talaga ako.
Mag salita ng purong Tagalog lang o kaya ng purong English lang.

Nasisira ang araw ko pag naririnig ko ang kapitbahay (na Pilipino) na may kausap sa telepono na hindi mawari ang pinaghalong Ingles at Tagalog nyang pananalita. Sumasakit ang tenga ko. Sabi ko i-istop mo na eh.
Sa opisina naman ay hindi din mawari ang Ingles na hinaluan ng Hindi at Malayalam. What to do yar? Sabay ang pag iling ng leeg na habang tinitingnan mo ay nahahawa ka din at nagagalaw mo na din ang leeg mo at ginagaya mo na din ang movement nito. O kaya halong Arabic Shuhada Habibi. What to do yani? Hanu ng nangyari sa Ingles ko kung ito na palagi ang naririnig ko? Nahahawa ako hanu ba yan. Partida wala pa akong ibang local dialect na alam (Bisaya, Kapampangan atbp), pano na lang kung meron pa eh baka magulumihanan na ako sa halo halong salita.
Sa facebook naman ay ang hindi mawaring kakaibang lengwaheng naimbento. Ang wfu naman ng bhebhe qoh. Ano ang wfu? Akala ko what d f*ck you? Ahhhh gwapo pala ibig sabihin nong wfu? Anak ng…..Murder ito.
I’d love to hear from you!