Nanaginip ako kagabi.
May lalake daw na tumutugtog ng piano..at ito ang piyesang tinugtog nya…at dahil panaginip ko iyon at feelingera ako…kinanta ko daw ang Thousand Years..tahaha…asa.
At dahil dyan ay agad kong hinanap ang Thousand Years sa youtube para pakinggan ito ang bumantad sa akin – ang piano/cello version na ito na maghapon ko nang pinakinggan dito sa opisina.
Ang gandang theme song para sa kasal..tahaha…feeling Bella at Edward….
10 responses to “Thousand Years”
Hello po magandang gabi. Madalas din akong managinip ng lalake—na tumutugtog ng piano..dati. Tapos parang music video ang dating. Ngayon madalang na akong managinip, ewan siguro pagod na ang brains. Hohoho!
Pasensya na po sa abala, ang lumalabas kasi pag pine-play ko yung video sa taas ay yung playlist ng mga huli kong napanuod kanina sa youtube… In this case, ang video na nagpe-play ay “10 Things You Shouldn’t Know About The Yakuza” na uploaded ng Alltime10s. Ayun, hindi ko marinig yung pang-kasal mo, hehehe. Siguro sa browser ko lang iyon? Malay ko bat sya nangyayari.
LikeLike
tahaha…salamat sa iyo…chineck ko nga at “the video doesn’t exist ” naman saken….ayan pwede mo na makita yung pangkasal ko at inedit ko na tahaha
ay naisangguni mo na ba yang panaginip nayan? ano kayang ibig sabihin? tahaha
LikeLike
Hindi e. Naisip ko lang baka ambisyosa akong maikakasal balang-araw kaya nananaginip ako ng ganon. O baka maaaring dahil sa yung dating panahon na yon e naaadik akong manuod ng Nodame Cantabille. Kaya uso sa brains ko ang mga lalakeng nagpa-piano hehehe.
LikeLike
tahaha…teka ano yang Nodame Cantabille na yan…teka masearch nga yan
LikeLike
Hindi ko alam bat tumi-teary-eyed ang drama ko. Masayang teary-eyed naman to. Napapa-smile pa. Thanks for sharing, ang ganda 🙂
LikeLike
tahaha…nakakaiyak nga ang version na ito…haaaay
LikeLike
hala, madalas ko rin tong pakinggan. a thousand years, tahaha 😉 ellow, aysabaw…
LikeLike
hello ate san…hihihi
LikeLike
kumusta? i love the song and this instrumental version is amazing and just tugs at the heart so much, gusto ko ring umiyak! syempre kahit i have been married for the longest time, Bob and I still have our moments … i will share this video with him … thank you. parang i also want to listen to it the whole day — haha 😉
LikeLike
hello po! 🙂
naku…..parang pwede ding background music ito sa dinner date nyo on your anniv..tahaha…suggestion lang naman…
ang ganda talaga ng version na ito…
LikeLike