Photo credits to http://www.facebook.com/#!/1mpics
βHapon na.
Panahon na para sa aking munting palabasβ.
Bitbit ang biyolin ay lumabas ng bahay si Gido at naglakad patungo sa kanyang paboritong lugar tuwing hapon. Dito nya laging idinadaos ang kaniyang munting konsiyerto. Panauhin nya ang mga ibon at mga matataas na damong sumasayaw sa kanyang tugtugin.
Tuwing hapon ay naglalaro ang mga bata sa palayan pero hindi na sumasali si Gido sa mga ito. Lagi syang mag-isa, tangan ang kanyang biyolin na namana mula sa namayapang ina.
Sa hindi kalayuan ay nakatanaw ang ama ni Gido na naluluha. Tuwing nakikita nya ang anak ay naalala ang namayapang asawa. Naiiyak saya dahil sa malabis na pangungulila sa asawa; at dahil din sa pagkahabag sa anak na umid ang dila, na ang tanging paraan para kausapin ang mundo ay sa pamamagitan ng kanyang musika.
I’d love to hear from you!