Panawagan ng Isang Hamak na Mamamayan

Dear Mga Ma’am at Sir ng Gobyernong Pilipino,

Ako po ay isang balikbayan na kamakailan lang ay muling nagbalik sa aking inang bayan upang muling matanaw ang kagandahan nito. Sa aking pagbabalik ay marami akong ikinasiya ngunit mas marami ding ikinadismaya.

Bago po ako umuwi ay kinakailangan kong kumuha ng Overseas Employment certificate sa ating Embahada sa bansang aking pinagtatrabahuhan. May dalawang kwarto ang naturang Embahada. Ang isa ay ang waiting room, at ang isa ay kung saan magbabayad na ng bill. Hindi ko maintindihan kung bakit, alam naman natin na nasa disyerto tayo, bakit walang aircon yung waiting room. Oh kung may aircon man, hindi namin nararamdaman. Naiintindihan ko na yung opisina ay isang bahay o villa lang na na-convert sa office kung kaya mahina lang siguro ang airconditioning system. Pero sana po naisip nyo na sa inaraw araw nyong nagtatrabaho dyan, nakikita nyo na daan daang kabayan natin ang kumukuha ng mga OEC. Kung hindi nyo kayang bumili ng aircon, sana man lang electric fan para hindi kami ma suffocate sa loob. Alam nyong hindi kaya ng aircon yung dami ng taong nag aantay sa loob, hindi nyo pa gawan ng paraan. Tao rin po kami, hindi camel. At kahit aso po ay nahe-heat stroke. Ang Embahada naten ang nagrerepresenta ng ating Bayan sa ibang bansa. Ganto ba natin ipiniprisenta ang ating mga sarili?

Matapos ang siyam na oras kong pagbyahe ay nagmamadali na akong naglakad upang mauna sa immigration at nang mabilis akong makalabas. Masaya ako at nauna ako sa pila at nakalampas agad. Pag dating ko sa kolektahan ng luggage, halos ako ang pinaka unang dumating doon. Halos tatlumpung minuto na ako doon ay hindi pa din dumadating ang luggage ko. Sige lang. Madami naman talagang pasahero kaya natural na maraming bagahe.Hanggang sa ilang sandali pa ay nasira yung conveyor. Napansin ko ngang yung warat dun sa belt ay humahaba tuwing umiikot ito. Napakasaya. Pinalipat kami sa kabilang kuhaan ng luggage ngunit inantay pa muna namin na maubos lahat ng luggage ng mga dumating galing America bago ilabas yung mga bagahe namin. Matapos ang dalawang oras na pagaantay ko ay sa wakas nakuha ko na din yung nagiisang bagahe ko. Marami kaming nadismaya sa kalagayan ng ating International Airport. Maraming mga balikbayan na sabik na sabik nang makita ang kanilang pamilya at pagod mula sa byahe nila ang nag antay pa ng halos dalawang oras dahil sa nasirang conveyor. Maraming mga pamilya sa labas ang nag antay ng sobrang tagal para masalubong ang kanilang kamag anak na nagbabalik. Isa, dalawa o tatlong taon na nga silang nag aantay dito sa Pilipinas, hanggang sa airport ba naman mag aantay pa sila? Andaming turista na nag antay din ng halos dalawang oras para sa kanilang bagahe. May dalawang espanyol na naguusap sa likuran ko at kahit hindi bihasa sa lengwahe ay naiintindihan ko kahit papaano kung ano ang pinaguusapan nila. Sabi nila, ‘sa Pilipinas lang nangyayari to, hassel.’ Mga Ma’am at Sir, pinapauso nyo ang ‘It’s more fun in the Philippines.’ Sana kung gusto nyong umunlad ang Tourism ng ating bansa ay ayusin nyo naman yung airport kasi dun unang bumabagsak yung mga turista. Ika nga ‘First impressionz last.’ Hindi po ako nangunguna, nagsusuggest lang. Nakakahiya po kasi. Kung ayaw nyong bilhan ng bagong kagamitan o kung ayaw nyong irenovate yung airport, sana man lang maayoss ang maintenance para hindi katulad nyan na nahahasel yung mga tao.

Hindi naman siguro puro negatibo ang mga naranasan ko. Nais ko din magpasalamat sa kasalukuyang Mayor ng aming bayan na si Mayor Elyong. Nagulat ako dahil napaganda ng aming Plaza. Halos magtatalong dekada na iyong plaza na yon, na walang Mayor ang naupo at nakapagpagawa nito. Ni hindi nga man lang mapaayos ang semento ng sahig nito, pero kay Mayor Elyong napagawa nya ito. Napakaganda na talaga nito. Ganun din ang aming Munisipyo at ang Health Center. Nakita ko din ang kalsada patungo sa paaralan kung saan ako nagtapos ng elementarya. Tatlo kaming magkakapatid na natapos ng pagaaral ng elementarya doon pero ngayon lang nasemento ang kalsada. Hirap na hirap kami maglakad doon tuwing tag ulan dahil grabe ang putik. May budget naman pala para sa pagpapasemento ng kalsada, bakit ngayon lang yan nasemento? Ilang Mayor ang umupo, ngayon lang yan naayos.

Sa itaas ng bahay namin ay tanaw na tanaw ang bundok. Tuwing uuwi ako ng Pilipinas, isa iyon sa mga tinatanaw ko dahil sabi ko ‘ Hindi pa din polluted sa amin at kahit malapit kami sa Maynila, berde pa din ang aming bayan. ‘ Nung matanaw ko yung isang parte ng bundok namin, hindi na sya berde kund brown. Ipinatigil nyo yung river quarrying pero inaprubahan nyo yung sa bundok. Hindi ba pag nagquarry sa ilog, lalalim yung ilog at liliit ang tsansa ng baha dahil lumalalim ang ilog at dito babagsak yung tubig? Eh yung bundok? Tinanggal nyo lahat ng puno, so ano pa ang pipigil sa baha? Pinagbabawal nyo yung mga nagkakaingin. Kinukuha lang naman nila yung mga magulang na puno na at itinitira yung mga maliliit na puno. At least may mga sisipsip pa din sa tubig. Eh kayo? Inubos nyo ultimo damo.

Mga Ma’am at Sir, eleksyon na. Puro na lang ba pangako?

Lubos na Gumagalang,
Isang Nagmamalasakit na Mamamayan

10 responses to “Panawagan ng Isang Hamak na Mamamayan”

  1. hello, sabaw… welkam back to the phils! hano, nakagala ka na sa Cubao? ahehe. btw, alam mo, ni-like ko na ‘tong post na ‘to a few days ago (di yata ako signed in no’n, hehe). basta, welcome back. 🙂

    Like

    1. hello ate san, hihihi…eto naka ikot na nga ng cubao…pero puro sa gateway lang pala nag ikot…hihihihi… may nakita akong bagong hotel na tinatayo sa tabi ng araneta coliseum…hehehe

      ayon medyo badtrip lang sa mga experience ko sa embassy at sa airport kaya nagpost ng ganito hihihi

      Like

  2. Ang humble, pero anlakas ng impact nitong mga sinulat mo.

    Congrats sa pagka-ayos ng lugar nyo, ung plaza at mga kalsada I mean. Sorry sa bundok. Ang lungkot nyan.

    Yung sa Airport… tuwing maghahatid at susundo ako sa International Airport natin andami kong lungkot. Salamin na salamin kasi ng masang Pilipino. Kuntento na, functioning pa naman (medyo malapit ng hindi), nakakatiis pa sayang naman kung gagastusan pa, kapag nasira na lang ng tuluyan. Siguro pag tipong di na magagamit buong airport. Hindi tayo makahabol sa mga nagpapagandahan ng infrastructures. Hindi tayo makahabol sa pag-angat ng ibang bansa. Ewan ko sabi nila we’re back on track, pero base sa nakaraang eleksyon, feeling ko hindi. Ewan ko lang din kung hindi ko lang maramdaman.

    Kumbaga sa bahay ng tao ang Airport yung pintuan. Kapag gula-gulanit hindi ka na mae-engganyong pumasok. O papasok ka man, pero madidismaya ka muna ng bongga.

    Like

    1. Tama ka dyan. Yung airport nga ang pintuan ng ating bahay na Pilipinas.

      Pro-tourism ako at natutuwa talaga ako na pinopromote nila ang turismo ng ating bayan. Pero gaya nga ng sabi ko, sana una muna nilang inayos yung airport bago pa man ang lahat.

      Back on track? …sa pagkakaalam ko…nung Marcos regime, tayo ang unang unang bansa sa Asia na nagkaroon ng airport. Ngayon, rated as worst airport in the world ang NAIA. So pano tayo naging back on track? 🙂

      Eleksyon? Hindi pa bumabalik ang interes ko sa pagboto…

      KApatid, salamat sa iyong pagdaan. 🙂

      Like

      1. Back on track na raw ang ating ekonomiya, but I think it’s just a lie business people tell each other to make themselves feel better. Parang friends na siinasabing, “It’s all going to be alright” kahit hindi naman.

        Like

        1. Back on track? oo, back on track ang ekonomiya dahil sa napakarami nang ofw na nagpapasok ng pera sa bansa….dahil tumataas na ang stock market at dahil marami na ulit na mga investors ang pumapasok sa pinas. Iyan ang ibig sabihin nilang “back on track.”

          Ano naman ang alam ng mga kababayan nating magsasaka sa stock market na yan?

          Ang ibig sabihin ata ng back on track nila ay…yung mga mayayaman at lalo pang yumayaman.

          Like

  3. 25pesocupnoodles Avatar
    25pesocupnoodles

    pasilip naman sa plaza ninyo, pwede?

    Like

    1. togoinks….isang malaking kahangalan ang hindi man lang kumuha ng litrato ng bagong plaza bago lumulan…hay kamote

      Like

      1. 25pesocupnoodles Avatar
        25pesocupnoodles

        hahaha, kamote-Q nga, sayang wala tuloy remembrans at wala tuloy kaming masisilip. ka-bilis mo naman lumulan, tila nagmamadali. siguro parte ng pagpapalawig ng turismo kaya napagawa ang plaza sa inyo. sa amin kasi bagong gawa rin ang plaza, hehehe. at may napakataas na bantayog ng isang prominenteng tao.

        Like

        1. hahaha…saglit lang kasi ang bakasyon ko…at hindi ko talaga naisip na kuhanan pa ng litrato…

          hmmmm…cup? coincidence naman at parehas pang bagong gawa ang plaza naten…baka naman iisa lang ang plazang ating tinutukoy…hindi kaya? hahaha….ang kulay ba nito ay parang may dilaw at violet?

          Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: