FAQs – HRM Course Part 2

Question:

Ano ang ginagawa kapag nag aaral ka ng HRM
Ang tanong na ito ay madalas nagmumula sa mga batang gustong kunin ang course na ito ngunit clueless sya sa mga pangyayari. Napaka broad naman kasi pag sinabing “Hotel and Restaurant Management.” Ano nga bang gagawin ko pag kinuha ko ang course na yan? Anong pag aaralan namen? Anong mga subjects meron? Magluluto ba kami? Pano kung di ako marunong magluto? Pagaaralan ban amen kung pano mag manage ng hotel at restaurant?

Tinanong ko din yan bago ako magenroll noon, una dahil hindi talaga ako marunong magluto at naisip kong baka bumagsak ako sa mga cooking classes. Pangalawa ay ang tanong na pagluluto lang ba at management ang pagaaralan ko sa loob ng apat na taon. Sabi naman ng nanay ko, kaya nga magaaral ka para matuto ka. So nag enroll naman ako ahehe.

Syempre bawat college o university, iba’t iba ang curriculum at mga activities na ginagawa. So ibabahagi ko na lang ang aking mga karanasan noong ako ay pumapasok pa sa aking Sintang Paaralan para naman may clue kayo in general kung ano ba ang mga ginagawa ng mga HRM students.

Sa unang taon ng course na ito, syempre puro Introductory subjects muna tulad na lang ng Intro to Hospitality. Dito ituturo sa inyo ang iba’t ibang uri ng hotels, restaurants, mga food chains at kung ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa ganun din ang structure ng bawat isa. Naalala ko noon na inutusan kame ng Prof namen na libutin ang Maynila at manguha ng mga Hotel Brochures (muka kaming palaboy hehe).Pero as a freshman, napakagandang exposure nitong ipinagawa samen ni Prof. Aba, noon lang ako nakakita (as in first time) ng napakagagandang mga lobby ng hotel na may mga fountain pa at halos diamond na kumikinang ang mga chandeliers. Edi nawala ang pagka Indio ko. Andyan din ang matataas na front desk counters at sa likod noon ang mga naggagandahan at nagggagwapuhang at nagtatangkarang mga receptionist. Napaisip tuloy ako kung itutuloy ko pa ba ang kursong ito kasi hindi naman ako kagandahan ha ha.

May subject din kameng Intro to Food Service Techniques kung saan itinuro sa amin ang mga basic table set up at service (oha oha). Pagandahan ng set up at paangasan sa creativity. Itinuro na din sa subject na ito ang mga klase ng table service tulad ng Russian, French, American at Family Service. Syempre may mge demo yan. Kami na nag setup ng lamesa, kami pa nagluto, kami pa nag serve ng pagkain ahehe at higit sa lahat kami pa naghugas ng pinggan at naglinis. Tinuruan din kame dito kung ano ang 7 basic napkin folds (sailboat, banana, pyramid, candle, bishop’s hat, fan at lotus na syang pinaka time consuming gawin) at naalala ko na iyon ang Final Exam namin. Kelangan maitiklop ang 7 napkins sa loob ng isang minuto (take note nagawa ko yon within 57 seconds haha). Anu ba yan nabubuhay ang aking mga alaala ha ha ha.

Isa sa mga minor subjects nyo ang P.E. at kinakailangan nyong magswimming. Guys and Gals required kayo matuto nyan lalo na sa mga nagbabalak sumakay ng barko. Don’t take this subject for granted mga kids.

Nung 2nd year naman kame ay nagkaroon na kami ng baking classes. At ang final exam namin ay magbake ng cake. By twos ang grouping at kami ng partner ko ay parehas walang alam. Pero matagumpay naman naming napatayo ang Pineapple Upside Down Cake (para paraan lang yan). Hindi madali mag bake. Lalo na kung walang tamang equipment. Manual kaming naghahalo ng harina at itlog noon at bawal magpalit ng ikot ng halo kung hindi pangit ang kakalabasan ng cake base. Kaya nga lumaki ang braso naming kakahalo. Ang pinaka enjoy na part nito ay natuto akong gumawa ng flower dun sa cake. Hindi din pala basta basta yun. Pinagawa kame ng 200 flowers of different sizes and colors ang saya saya.

Nagkaroon din kami ng subject na housekeeping kung saan syempre kailangan naming matutong magwalis at mag mop. Hehe pero hindi lang yan. Natutunan namin kung ano ano ang mga patong patong na telang inilalagay sa ibabaw ng kama. Kaya pala mukang malaki ang mga hotel beds dahil sa mga kobre kama hihihihi.Hindi pala ganun kadali ang trabaho ng mga room attendants lalo na pag malaki yung kama. Bukod pa dyan natutunan namen gumawa ng mga flower arrangements sa subject na ito na kung saan ay nagpaangasan na naman pagdating sa creativity.

Nasa 3rd year naman ako nung International Cuisine na ang pinag aralan namen. Syempre, bawat isa magrereport ng cuisine ng iba’t ibang bansa. At ang na-assign saken ay Germany. Alam ko lang ay dun sa kanila nanggaling ang Octoberfest at mahilig sila sa mga sausages at Sauerkraut.
3rd year na din kami nung may Beverage Management subject na kami. Paborito ko yang subject na yan hindi dahil inuman sa loob ng klase, tinitikman lang naman namin yung alcohol. Kaya ko yan paborito kasi dyan ako natuto mag flairing. Hindi ako masyadog magaling pero gustong gusto ko yan. Kahit nagkakanda bukol bukol ang noo ko at pasa pasa ang braso ko tuwing babagsak saken yung bote ng emperador ay ayus lang. Nakakatuwa pag nakakabuo ako ng routine at kapag hindi na bumabagsak yung bote. Sumali nga ako sa isang bartending competition (hay nagmaganda) talo nga lang pero it was a great experience at achievement na yun para saken nung time na yun.

Syempre hindi matatapos ang pagaaral natin kung hindi magkakaroon ng thesis at practicum. Hindi ko na ieexplain ang thesis kasi alam kong alam nyo kung ano ang ibaig sabihin ng salitang – madugo. Sa practicum naman twice ako nag OJT. Restaurant practicum nung 2nd year ako at Hotel practicum nung 4th year ako. Hmmmm, marami din akong kwento tungkol sa practicum na yan pero saka ko na lang ibabahagi kapag merong nagtanong dahil isang malaking topic na naman yan at hindi na yan kasali sa question of the day.

Ayan mahaba haba din ang naikwento ni Lola Basyang ngayon tungkol sa kanyang buhay kolehiyo at sana ay makatulong ito sa mga nangangalap pa ng impormasyon. Marami pa akong hindi naisali dyan pero impormasyon lang ang gusto kong ibigay sa inyo mga bata at hindi ang aking talambuhay kaya taympfers muna.

Hanggang sa susunod!

Ciao!

___

Mga babasahing may kinalaman dito:

https://aysabaw.wordpress.com/2012/09/23/hotel-and-restaurant-management-course/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/08/22/nag-aral-ba-tayo-para-maging-waitress-lang/

https://aysabaw.wordpress.com/2013/03/05/faqs-hrm-course-part-1/

1. A Day in a Life of a Business Center Team Leader

2. A Day in a Life of a Demi Chef de Partie

3. A Day in a Life of an Assistant Restaurant Manager

4. A Day in a Life of A Cruise Ship Stewardess

5. A Day in a Life of a Bartender 

____
Maraming salamat po sa mga bumabasa ng isinulat ko patungkol sa mga kalimitang itinatanong tungkol sa HRM Course at para po sa mas marami pang impormasyon, pakidalaw po ang blog ko na naglalaman lamang ng mga post patungkol sa hospitality http://hotelierako.wordpress.com/. Salamat po ulit 🙂

***

Kung nais niyong makatanggap ng newsletter na naglalaman ng mga adventures ko bilang isang hotelier sa ibang bansa, mga usapin tungkol sa hospitality industry at iba pa, ay magsubscribe na dito!

Processing…
Success! You're on the list.

23 responses to “FAQs – HRM Course Part 2”

  1. 25pesocupnoodles Avatar
    25pesocupnoodles

    may tanong ako, ang iyong sintang paaralan ba ay, “tanglaw rin ng bayan”? hehehe.

    Like

    1. pandayan ng isip ng kabataan 🙂

      siyang tunay

      Like

    2. Thank you po na kakuha ako ng clue ☺️

      Like

  2. as in mahal po ba?ung malapit-lapit na sa tuiton o higit pa?

    Like

    1. ha? ansaveh mo micmic? pakilinaw po ang tanong

      Like

  3. Reblogged this on Hotelier Ako and commented:

    Eto naman ang Part 2 ng FAQs ko

    Like

  4. para sa akin nahihirapan talaga ako sa mga table set up…ano kaya ang dapat kung gawin upang mkaya ko iyon..

    Like

  5. Pra sa akin ang hirap kasi lalong lalo na sa pagandahan nga set up… okay lang sa akin pag naluluto na.. iyan talaga gusto ko kaso lang nahihirapan ako sa mga set up..

    Like

    1. Hello Janice,

      Kung sa pagluluto ka mas nadadalian at kung sa tingin mo ay yang ang forte mo, dyan mo pa mas galingan. Kung ang sinasabi mong pagandahan ng set up ay sa school may mga isusuggest ako.

      Una, noong panahon namen, wala kaming pambayad para makapag search online ng mga magagandang table setting, kung yan ang tinutukoy mo. Sa panahon ngayon, lahat ng impormasyon ay ‘one click away’ na nga lang. Mag research ka ng mga themes ng set up, kung ano yung mga makikita mong design, pwede mo pang i enhance or baguhin according sa naiimagine mong itsura ng set up na gusto mo, at depende din sa available resources syempre. Noon kelangan pa namin magresearch sa library ng mga set up at napakalimited ng ideas na nakukuha namen, ngayon ay walastik na. Mas pagpursigihan mo din magresearch sa mga bagay na alam mong medyo weak ka.

      Pangalawa, maglibot ka din sa mga department store. Hindi para mag shopping, kundi mag tingin tingin ng mga magagandang kobyertos, mga sample set up nang sa ganon ay magkaroon ka ng mga idea.

      Pangatlo, magbasa ng magazine. Hindi ko alam kung may available na mga Hotelier Magazines sa Pilipinas kasi nasa dubai ako ngayon. Dito, patok ang mga magazines tulad ng Hotelier, Caterer at kung ano ano pa na may kinalaman sa Hospitality. Kung wala naman nito, well may internet ka pa din at napaka gandang source na nito para sa iyo.

      Pang-apat, pag may mga inter-college competitions at kung ano ano pa, dapat lagi kang nandoon kasi makakakuha ka ng mga magagandang idea. Exposure, ika nga.

      Sana naman ay nakatulong ako at pag igihan mo pa. Kung pagluluto ang first love mo talaga, pag igihan mo pa! Go!

      Kung may gusto ka pang itanong ulit, mag iwan lang po ulit ng comments.

      Salamat uli! 🙂

      Like

  6. ,Ansaya nman po pala mag hrm ja excite

    Like

  7. ate patulong lng po anu po ang dapat kung gawin kc hndi ko nguztuhan ang course ko ngaun tinatamad n po ako gusto ko mag shift kaso d na pwedi sayang na ang gastos ano ang gagawin ko patulong po?

    Like

  8. Ate aysa, mahina po ako sa English. mag English factor po bang magaganap sa hrm?

    Liked by 1 person

    1. Kailangan yun pero dont worry natututunan yan. Praktis lang

      Like

      1. anong fullname mo po? kailangan lang po kasi namin para sa thesis namin kung sino ang nag publish ng article about this hrm

        Like

  9. te aysa, mahina po ako sa English. may English factor po bang magaganap sa hrm?

    Like

  10. hi! pwede ko po bang malaman ang experience mo sa mga naging ojt mo? pinag-iisipan ko kase kung kukunin ko ba itong course na to in the next 2 years after senior high e. i need someone who’ll push mo to finally settle to this course in the future. 😀

    Like

    1. twice ako nag ojt. una sa resto, then sa hotel. sa resto, naging taga balat ako ng sako-sakong sibuyas at taga gupit nga pala-palangganang mushrooms. sa hotel naging taga xerox ako ng sandamakmak na papel 🙂

      Like

  11. Hahaha. ok desidido na talaga ako magsishift ako ng Hospitality next sem!!! Baka pagsisihan ko pa pgdating ng panahon kapag dko pa gnawa haha magku culinary major ako kahit ni magsaing di ako marunong hahaha ETO GUSTO KO EH BAKIT BA

    Salamat, SABAW!!!!!!

    Liked by 1 person

    1. hahaha walang anuman

      Like

  12. Hello po! I’m g-12 na po at graduating na po ako at gusto ko po talagang kunin ay HRM kaso ayaw ni mama kasi magastos daw(eh di naman po kami mayaman),pero gusto ko po talaga yung HRM,tanong ko lang po kung magastos po ba yung HRM? (Noong nag-aaral pa po kayo?)
    Salamat po sa pag sagot!😊

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: