Sa tuwing sinisilip ko ang stats ng blog ko, napapansin kong marami rami ang tumitingin sa isinulat ko tungkol sa HRM course. At kapag tinitingnan ko ang mga terms na ginamit nila para mahanap ang blog ko ay natutuwa ako sa iba’t ibang mga tanong na nilalagay nila patungkol sa kursong ito. Siguro maraming mga kabataan ang nagnanais na kumuha nito o kaya ay maraming nalilito at kumukuha pa ng impormasyon patungkol dito. Marami din namang mga katanungan na tila out of this world at natatawa talaga ako habang binabasa ko.
O sya, nagmamagaling na naman ako at mangangahas akong sagutin ang ilang mga katanungang nabasa ko.
Question # 1
Magkano ang baon mo pag HRM ka
Guys and gals, depende po yan sa inyo. Ang baon ko noong kapanahunan ko ay 100 pesos a day kasi 50 pesos and pamasahe ko balikan mula samen hanggang sa school at 50 pesos ang breakfast, lunch and dinner budget ko pati pala meryenda. At nung nagtaas ang pamasahe eh 120 pesos na ang baon ko hanggang makagraduate ako. Kung ang tinatanong nyo naman ay kung magkano ang magagastos nyo sa mga practical exams or trainings eh naku, I’ll be frank. Magastos po ang kursong HRM, kung iyan ang gusto nyo talagang malaman. Marami rami kayong gagastusan, halimbawa na lang kapag may baking or culinary subject kayo. Syempre kayo ang bibili ng mga ingredients. Kapag may beverage subject naman kayo, syempre bibili din kayo ng mga liquors at mixers. Kapag naman may mga functions or events at kelangan nyo mag arrange ng mga flowers at centerpiece eh kelangan nyong gumising ng maaga at magpunta sa Dangwa…ahehe. May mga ibang curriculum na may Intro to Tourism subject kayo at kelangan nyo syempre mag-tour kaya gagastos na naman kayo.
Uulitin ko, magastos ang kursong ito. Pero kung ito talaga ang passion mo, ito ang kunin mo. Makikita mo naman kasi ang resulta ng mga pinaghirapan mo kapag naka graduate ka na at nakahanap ng magandang trabaho.
Question # 2
Marami bang Math subject ang HRM
Maraming estudyante ang nagsasabi na mahina daw sila sa Math kaya HRM ang kukunin nilang course. Aaminin kong napakahina ko sa Math at kahit fraction at decimal ay iniiyakan ko pa (huhuhuhu) pero hindi naman ito ang dahilan kung bakit HRM ang kinuha kong course, slight lang ahehe. Guys and gals, bigyang dangal nyo naman yung kurso. Baguhin naman natin ang image ng kursong ito kasi minamata mata ng iba at sinasabing ang HRM ay tapunan lang ng mga hindi nakaabot sa kota ng Engineering or Accounting o kaya tapunan ng mga walang ibang course na maisip at kung ano ano pa. Hindi naman talaga sa ganon. Exciting ang course na ito, kasi walang masyadong Math (hahaha) at hindi kelangan mag compute (isa pang ha ha ha). Uulitin ko, hindi boring ang kursong ito (isa pa ulit ha ha ha).
Meron din pong Basic Math subjects sa HRM tulad ng Accounting, Algebra (yata) at Statistics (ganyan yung nasa curriculum ko noon, di ko lang sure ngayon). Pero as I said, hindi nyo kelangan ng scientific calculator at mahahabang ruler dito. Ang kelangan nyo – spatula, chopping board, shaker at flairbottle saka magandang background music (ahehe).
Para sa mga katulad kong hindi Math Wizard, pag isipan nyo munang maigi. Wag nyong kunin ang kursong ito nang dahil lang mahina kayo sa Math. Kung wala kayong passion para sa Hospitality ay wag nyo na lang ituloy. Lilinawin ko ha, ang Hotel and Restaurant Management ay hindi po para sa mga mahihina sa Math, para ito sa mga may kakayanan na humarap at makipag usap sa tao (in short makakapaal ang face…ahehe biro lang), sa mga taong presentable at kaaya-aya( in short model-modelan ahehe), sa mga taong smart at masayahin in nature.
Ayan, hanggang dito na lang po muna tayo at sana ay nasagot ko ang mga FAQs ng kursong HRM. Marami pa akong nabasang iba’t ibang katanungan kaya may kasunod pa itong question and answer portion ko.
Hanggang sa muli!
Ciao!
—
Mga babasahing may kinalaman dito:
1. A Day in a Life of a Business Center Team Leader
2. A Day in a Life of a Demi Chef de Partie
3. A Day in a Life of an Assistant Restaurant Manager
4. A Day in a Life of A Cruise Ship Stewardess
5. A Day in a Life of a Bartender
____
Maraming salamat po sa mga bumabasa ng isinulat ko patungkol sa mga kalimitang itinatanong tungkol sa HRM Course at para po sa mas marami pang impormasyon, pakidalaw po ang blog ko na naglalaman lamang ng mga post patungkol sa hospitality http://hotelierako.wordpress.com/. Salamat po ulit 🙂
***
Kung nais niyong makatanggap ng newsletter na naglalaman ng mga adventures ko bilang isang hotelier sa ibang bansa, mga usapin tungkol sa hospitality industry at iba pa, ay magsubscribe na dito!
I’d love to hear from you!