Oh inspirasyon nasaan ka
Isip ko ay nablangko na
Di malaman kung punong puno at wala nang mapagsiksikan
Oh wala na talagang laman…..
Hay naku po naman, diwata ng panitikan….magpakita ka
Life as an expat in Maldives, freediver and hotelier
Oh inspirasyon nasaan ka
Isip ko ay nablangko na
Di malaman kung punong puno at wala nang mapagsiksikan
Oh wala na talagang laman…..
Hay naku po naman, diwata ng panitikan….magpakita ka
hmmm, isang pagsusumamo, naku may katha akong bagay dito, sa susunod na linggo ang pagpapaskil. payagan mo akong i-link ito ha. salamat.
LikeLike
nakuuu….maraming salamat sa iyo cup….malaya kang mag-link ng kahit ano at ikalulugod ko ito….
-___-
LikeLike
iyan ang isang paraan upang ang mga ideyang biglaang kumislap ay di lamang mawala sa ulap kapag ika’y biglaang napakurap.
LikeLike
narito ang panakaw sa mga linya,
“samantalahin at ‘wag palampasin,
ang pagtatagpo ng puso’t damdamin.
mga katagang kayhirap maapuhap at mailap,
sa dilim ay kumukuti-kutitap
ngunit tila ata kulang ang kislap….”
ayan, mga ilang parapo pa ang kasunod ng mga ‘yan at ang pahuling parapo ay akin pang hinahagilap sa kawalan. naway matagpuan ko ang mga linyang magsasara sa tula.
LikeLike
napakaganda at kaabang abang…..
LikeLike
salamat, kung minsan talaga di ko alam kung saan ko nahahagilap ang mga salitang nagtutugma at mga ideya kaiga-igaya. bigla-bigla na lamang kasi, mabuti at meron audio record ang cellphone, hehehe, mainam.
LikeLike
aba…magandang idea yang audio record, akala ko sa kanta lamang magagamit yan…tsk tsk tsk…andami kong ideyang nawala dahil nakalimutan ko na ito bago pa man maisulat. aha! ngayong alam ko na….salamat
LikeLike
meron akong isang katha na 100% mula sa orihinal na audio record, napakalaya ng dating, narito at sana mabisita mo,
LikeLike
nabasa ko na at maganda…. 🙂
LikeLike
naku, huwag kang mag-alala. Babalik din ang diwatang iyan. Magmadali lang sana siya. Mahirap maghintay. 🙂
LikeLike
hi hi hi, mukang marami na ngang diwatang dumalay….salamat sa inyo
LikeLike
Thank you for visiting my blog today. I appreciate the time you took to stop by. May your day be filled with joy and peace.
BE ENCOURAGED! BE BLESSED!
LikeLike
I’d love to hear from you!