Hindi Ako Susuko

Maaliwalas. Maririnig ang huni ng mga ibon. Malamig ang simoy ng hangin at  kahit  hapon na at mataas pa rin ng araw ay hindi masyadong mainit. Nagsisibak sya ng mga kahoy na gagamitin para sa bon fire mamaya para hindi lamigin kapag naupo sya sa tabing dagat sa kinagabihan. Iyon ang halos araw araw na gawain  nya mula noong pinili nyang manirahan na lang sa kanyang bahay sa isla. Minabuti nyang manirahan sa tahimik na lugar na ito. Simple, nakaka relaks, walang maririnig na busina ng mga sasakyan na gigising sa kanya sa umaga at wala ding polusyon.

Mula nang magka isip sya, ito na ang pangarap nya. Na sa kanyang pagtanda, at kung mag aasawa man sya ay nais nyang manirahan sa lugar na ito. Kung saan ang mga anak nila ay makakapag laro at makakapagtakbuhan ng malaya na katulad noong unang panahon. Kung saan sila ay makakapag palipad ng saranggola kapag mahangin sa hapon. Kung saan sariwa ang mga prutas na kanilang mapipitas, at makakapanghuli sila ng isda para pang hapunan. Napakasarap. Napakadalisay. Napakapayak.

Muli ay nagbalik sa kanya ang mga alaala ng lumipas. Alaala ng taong kanyang iniwan isang maulang gabi ng kanyang nakaraan.

_____________________________________________________________________________________________

Tanghali na syang nagising. Nakahilata pa sya at tinatamad bumangon sapagkat wala naman syang pasok sa opisina. Pagod na pagod sya sapagkat matapos ang ilang araw na pag oover time para mahabol ang deadline ng kanilang ginagawa ay nagpaparty naman ang kanilang boss dahil maayos ang naging resulta ng  kanilang proyekto. Naalala nya ang sayawan at inuman kagabi, gayun din ang walang humpay na tawanan at kwentuhan. Kumakalam ang kanyang sikmura. Bumangon sya at nagtungo sa kusina. Nagtimpla sya ng kape at tumanaw sa ref. Walang pagkain. Kelan pa ba sya huling nag grocery? Dalawang linggo na pala.  Ganun sya ka abala. Oo nga pala. Kahit pala day off nya ay pumapasok sya dahil sa mga deadlines. Kaya nga pinararangalan sya lagi ng boss nya dahil sa dedikasyon at sipag sa trabaho. Pagkaubos nya ng kape ay dali dali na syang nagbihis para magpunta sa grocery.

Makapal na jacket at pantalon ang sinuot nya at nagboots pa sya dahil napakalamig sa labas. Taglamig na pala ulit. Parang kelan lang ay gumagawa pa sya ng snow man sa bakuran. Isang taon na pala ang lumipas? Hindi nya na napansin iyon dahil sobrang abala sa trabaho. Sobrang lamig. Hindi pa sya nakakarating sa grocery ay may nakita syang kapehan. At dahil gutom at nilalamig, umorder sya ng donut at kape at naupo sa tabi ng bintana. Maya’t maya ang pag ring ng kanyang telepono habang kumakain sya ng donut. Tawag ng mga katrabahong nais lumabas at gumimik sa kinagabihan. Bago nya ibaba ang telepono ng matapos na ang pinaka huling tawag, nakita nya ang petsa. Sa kaparehang buwan at araw na iyon, ilang taon na ang nakakaraan ay ang pag iwan sa kanya ng tanging lalakeng kanyang minahal.

Kolehiyo pa lang noon ay nais na nyang magpakasal na sila sa huwes. Sobrang minahal nya ang taong iyon at nais nya nang makasama ito sa araw araw. Bumuo sya ng mga pangarap na kahit mag asawa  na sila ay tatapusin nya ang kolehiyo. Magtatrabaho sya at magsisikap makarating sa bansang kanyang pinapangarap at doon sila magsasama ng maligaya.  Pinlano nya na kapag nakapangibang bayan sya ay mapag iipunan nila ang matagal nang pinapangarap na rest house sa isang isla. Alam nyang gustong gusto  iyon ng mahal nya. Gusto nito nang simpleng buhay lang. Kaya nga pagsisikapan nya ito para meron silang bahay bakasyunan. Para kung sakaling mainip o mapagod ang mahal nya sa buhay sa siyudad o sa ibang bansa ay meron silang mapupuntahan.  At kung sakaling magreretiro na sila ay dito na din sila mainirahan.  Buo na ang lahat. Kumbaga nais nya na lang isumite sa kanyang boss ang kanyang action plan. Ngunit nasira ang lahat ng ito nung gabing iyon. Nung maulan na gabing iyon na iniwan sya ng pinaka mamahal nya.

______________________________________________________________________________________________

Malamig sa dalampasigan at tamang tama ang dami ng mga kahoy na sinibak nya para sa bon fire. Nakaupo sya sa tabi nito at naalala ang mga masasayang sandali na sila ay magkasama at nangangarap. Matayog ang kanyang mga pangarap at ayaw kong maging hadlang sa mga ito. Masyado pa kaming bata noon. Hindi siguro sya magiging matagumpay kung sinunod ko ang mga gusto nya. Wala siguro sya sa lugar na kanyang pinapangarap ngayon kung sumunod sya sa bugso ng kanyang damdamin. Kung maaga kaming nakasal noon, baka hindi rin sya nakapag focus sa pag aaral nya. Pero sa ngayon, alam ko namang masaya na sya dahil sa kanyang mga narating.

Nakatitig sya sa buwan at mga bituin katulad ng lagi nyang ginagawa gabi gabi, hawak ang kanyang gitara at inaawit ang mga paborito nilang kanta.

______________________________________________________________________________________________

Natupad ko na lahat ng mga pangarap ko pwera lang sa isa. Ang makapiling ka. Ngayong natamo ko na lahat ng mga nais ko sa buhay, panahon naman para hanapin kita. Nasa ilalim pa din tayo ng iisang kalangitan. Iisa pa rin ang araw at buwan na nagpapaliwanag sa ating daigdig mahal ko. Hindi ako susuko.

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/24/pagdadalamhati-ikatlo-sa-pag-ibig-na-hindi/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/12/halik-by-kamikazee/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/09/ang-pag-ibig-na-hindi-ikalawang-yugto/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/07/ang-pag-ibig-na-hindi/

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s