Kape sa McDo

Malamig ang simoy ng hangin. Nakaupo sa McDo at nagkakape ang tatlong taong may sari sariling pinagdadaanan. Ang isa’y kumakalam na ang sikmura ngunit kape na lang muna dahil iyon lang ang hinaing libre ng mga kasama. Ang isa ay nilalamig at nagiisip kaya kailangang magkape at ang isa’y kelangan magpalipas ng oras dahil punong puno na ang utak ng iba’t ibang isipin.

____________________________________________________________________________

Kakaresign lang nya sa trabaho. Pagod, puyat at sigaw ng amo sa inaraw araw kaya sumuko na lang sya. Wala pang malilipatang trabaho. Walang pera at ginigipit pa. Walang matutuluyan, walang mahigaan. Naipadala na nya ang natitirang pera para pamasko sa pamilya kahit na sya ay magutom ng panandalian habang naghahanap ng bagong mapapasukan. Tanging meron lang sya ay ang mga damit sa maleta at lakas ng loob na unti unti na ring nawawala dahil nauubusan na sya ng panahon. Mapapaso na ang visa nya. Malapit na mawala ang lahat sa kanya at ilang araw na lang ang natitira. Iisa lang ang tanging natitira sa kanya – ang taong sa kanya’y nagmamahal.

_____________________________________________________________________________

Samu’t saring responsibilidad sa trabaho, reklamo, utos at iba’t iba pa na ipinapatong sa lamesa nya na nadaragdagan sa bawat araw. Bukod pa ay ang walang pakundangang pagkakagulo sa tahanang dapat ay mapagkukunan ng kapayapaan sa mga panahong magulo. Binabalot na ng lamig ang manipis na katawan na patuloy pa ring lumalaboy hanggang sa kinahating gabihan wag lamang maabutan ang hindi kaaya ayang mga tagpo sa bahay na dapat uwian. Iisa lamang ang nakakapagbigay ng kapayapaan- ang minamahal.

____________________________________________________________________________

Nobyembre pa nang mawalang sya ng trabaho. Ni hindi pa nakukuha ang sweldong pinagtrabahuhan. Ang hirap ng kalagayan nya’t lalo ngayong magpapasko na. Umaasa na makakahanap ng mapapasukan at kahit ihabol na lang ang pamasko nya sa tatlong anak at sa kanyang asawa kapag nakakuha na ng unang sweldo. Tumatakbo ang oras. Nauubos ang pera. Mahirap dahil pangalawang beses na itong naranasan at siguro sa ngayo’y natuto na. Mahirap mawalan lalo’t nasa ibang bayan. Di bale nang kumulo ang tyan, basta sana may maihahain ang kanyang asawa sa pasko at may mairegalo man lang sa mga anak. Iisa na lang ang natitira sa kanya – ang pamilyang nagpapalakas ng loob at nagbibigay ng determinasyon na makahanap muli ng trabaho at hindi umuwing talunan.

 ___________________________________________________________________________

Maingay ang paligid. Masaya na kahit sa bansang hindi nagdidiwang ng pasko ay may Christmas Tree na din at mga Christmas Carol na maririnig. Sa gitna ng masayang mundong ito ay may tatlong taong isang linggo nang tumatambay sa McDo para magkape.

 

Hango sa tunay na buhay nang tatlong taong ito, ang iba lang ay ginawang medyo eksaherado. Ayoko sana nang malungkot na istorya ngayong Festive Season, kaso lang “Hindi araw araw ay pasko sa mga tulad namin.”

10 responses to “Kape sa McDo”

  1. hay buhay sa uae! totoo yan, marami akong kilalang ganyan e.. god bless!

    Like

    1. hay…buhay Dubai….

      Like

  2. Ang lungkot, ang hirap nang malayo sa pamilya pero kailangan magtiyaga para sa kanila.

    Like

    1. Minsan wala talagang choice…tiis tiis lang din

      Like

  3. ahaha, ang ganda… ikaw na ang story-teller, kapatid. at talagang pagmamahal ang tema sa kapaskuhan, ahihi.

    sana ay masaya ang iyong kapaskuhan at Disyembre sa UAE, kapatid. keep well and cheers! 🙂 ~ Ate San

    Like

    1. ayayay….malungkot lang….

      masyadong maligalig ang aking disyembre…..

      Happy New Year po Ate San!

      Like

      1. e, away from the family – sadya yatang gano’n… ahaha, maligalig talaga? pambihira…

        hey, am thinking of going abroad myself. thoughts pa lang, ahaha.

        thanks. have a blast New Year, dear…. hugs! 🙂

        Like

        1. haaay andami kasing pangyayari sa loob lamang ng isang buwan.

          Naku at san mo naman balak magpunta? Hehe, kung bakasyon lang sa ibang bansa eh masaya hihihihi
          o balak mo nyan magwork or mag migrate naku mahabang proseso….

          ahehehehe Hapi New Year sa inyo!

          Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: