Pagdadalamhati | Ikatlo sa Pag-ibig na Hindi

Kung hindi ka rin lang pala magtatagal, sana hindi na kita nakilala at sana ay hindi na lang din kita minahal.

Sana hindi ako nag-aksaya ng panahon sa pagbuo ng masasayang alaala na aking pagdadalamhatian lang ngayon sa tuwing dadapo sa aking isipan.

Sa umaga ay matindi ang pagsikat ni Haring Araw na tila ba gusto na sunugin ang aking damdamin at sabihing hanggang dito na lang. Sa kinahapuna’y parang bumubulong ang malamig na hangin na “wala na sya.” At sa kinagabihan ay tila nauubos ang mga tala, bawat patak ng luha isang tala ang nawawala.

Paano ako magsisimula muli. Paano ko bubuuhing mag isa ang planado nang buhay na kasama ka. Masakit makita ang lahat ng bagay na nakapagpapaalala sa iyo.

– o –

Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Doble ang sakit na aking nararamdaman. Ang mawala ka sa piling ko, at makita kang nagdurusa dahil sa aking kagagawan. Pero mauunawaan mo din ito sa takdang panahon.

Wala akong ibang hangad kundi ang mapabuti ka. Nais ko ang iyong kaligayahan sa hinaharap, kahit alam kong hindi ako magiging parte non.

 

– o –

Hihihi nakalimutan ko itong isali. Edit edit lang din. Para tunay na seryeng serye ang dating, kelangan kasali yung mga nauna.

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/12/halik-by-kamikazee/ 

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/09/ang-pag-ibig-na-hindi-ikalawang-yugto/

https://aysabaw.wordpress.com/2012/11/07/ang-pag-ibig-na-hindi/

10 responses to “Pagdadalamhati | Ikatlo sa Pag-ibig na Hindi”

  1. ouch! ang sakit naman nyan.
    minsan kailangan nating tumanggap ng kabiguan upang sa ganun ay malaya tayong makapag simulang muli.
    alam kong mahirap at hindi ganun kadali. pero sana ito ang pangarapin mo. ang makapagsimulang muli.

    Like

    1. salamat po sa maikling panahong iyong ginugol sa pagbabasa.
      Ang kwento ng “Pag ibig na Hindi” na may tatlong parte na. Masakit at nakakalungkot ang mga ito, hango sa nararamdaman ko sa mga panahong isinusulat ko ito. Hindi man literal na pag-ibig ang tinutukoy ko sa mga ito, pero tunay na nararamdaman ko ang sakit.

      Salamat muli sa iyong pagdalaw 🙂

      Like

  2. nice…
    ni-feel ko talaga ang kanyang bonggang bonggang pain…
    aabangan ko po ang mga kasunod neto …
    ^_^

    Like

  3. “Nais ko ang iyong kaligayahan sa hinaharap, kahit alam kong hindi ako magiging parte non.” – ang sakit. ang sakit sakit… 😉

    miss, maiksi masyado ang installment na ire, ahaha… musta? 🙂

    Like

    1. helloie! helloie! helloie!

      maiksi ito…lumilipad pa din kasi ang utak…ha ha ha
      kelangan ata magbakasyon muna ng mahaba haba..andaming extra activities ako tuloy ay windangerzzz…….

      Like

      1. ahaha, hello, aysabaw!

        maganda naman, medyo bitin lang… hala, busy nga ang atmosphere pag magpapasko, ang daming activities ng mga tao. btw, di ba walang pasko dyan though pasko shopping mode din? hehe. hope things are well, kapatid… 🙂

        Like

        1. helloie ate!

          hay may pasko naman din dito, hindi lang masyadong ramdam at hindi ito public holiday. he he…may mga christmas decors din naman sa mga malls eh…hihihi

          kaway kaway kampay kampay! trabaho ay agaw buhay!

          Like

          1. hello, aysabaw… oo nga raw, di holiday… pero dami rin daw shopping and eating out pag gantong season, sabi…

            a, dyan ka talo, kapatid. sa Pilipinas, pagtuntong ng Dec., puro christmas parties at pagbabalot na ang activities, hahaha. puro kainan at gala, masyadong nakaka-busy at nakakataba, as in… 😉

            keep well. regards 🙂

            Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: