Ang Pag-ibig na Hindi – Ikalawang Yugto

Ang isa ay gusto nang mamaalam at ang isa ay gustong pa ring manatili.

Sa kaalinsanganan ng panahon ay tila narining ng langit ang hiling ng mga nauuhaw kaya biglang umulan ng malakas. Malalaki ang patak ng ulan na masakit pag tumatama sa bumbunan. Dali dali sumilong ang mga tao sa kani kaniyang kubo. Walang mapuntahan ang magkasintahan kaya dali dali na lang silang tumungo sa una nilang nakita, ang kubo ng life guard. Dali dali nilang inakyat ang matarik na hagdan at doo muna nanatili.

Umupo silang magkatapat at nakasandal sa magkabilang dingding ng kubo. Yumuko na ang isa at nagsimulang humagulgol na tila sinasabayan sya ng lalo pang lumalakas na iyak ng langit. Walang magawa ang isa kundi tumanaw sa malayo.

Sa katagala’y napagod na din ang mga matang namumugto na at nakatulog. Tumabi ang isa at pinasandal sa kanyang balikat upang makatulog ng maayos, hinahaplos ang noo sabay hinalikan ito. Hindi malaman ang nararamdaman. Nalilito pa. Tama bang lumisan at hindi na lang ipaglaban.Masakit. Pero ano ba ang nararapat? Hindi nya na maintindihan.

Ansarap sa pandinig, huni ng ibon, tunog ng alon, musika ni inang kalikasan. Pagmulat ng namumugtong mga mata ay kay ganda ng sikat ng araw na parang hindi umulan ng malakas kagabi. Inikot ang mata sa paligid.

β€œPag-gising ko wala ka na.”

 

Halik by Kamikazee

Kumupas na
Lambing sa yong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo’y ‘di na nadarama
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Alam ko na
Magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa saakin
Mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala ka nga pala
At puro lang ako salita
Kaya pala
Pag-gising ko wala ka na

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng wala man lang paalam
Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ika’y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis

Ngayon ko lang natutunan
Nasubukang mabuhay ng para bang may kulang
Pag nawala doon lang mamimiss
Paalam sa halik mong matamis

11 responses to “Ang Pag-ibig na Hindi – Ikalawang Yugto”

  1. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!
    ang lungkot lungkot!
    ang sakit sakit!
    ako na lang,
    ako na lang ulet…

    feeling basha lang??
    tehee,,,

    one of life’s irony, it takes absence to value someone’s presence…

    omg… ang lungkot talaga ng song…

    ang ganda ng iyong isinulat…

    shoot na shoot sa emotera kong damdamin :))

    sana may kasunod pa to …. happy ending naman ah πŸ™‚

    http://iamhanabanana.blogspot.com

    Like

    1. hello hana!
      salamat sa pagdalaw at natutuwa ako na nagustuhan mo ang ikalawang yugto…. he he

      marami nga ang tulad nating nag eemote dito…

      siguro may kasunod pa itong mas malulungkot pang kaganapan bago ang happy ending…kelangan ko pang mag emote ng todo para maging maganda ang resulta…

      ang lungkot nga din ng song na ito ng Kamikazee, salamat at naappreciate mo…..

      Like

  2. […] mga nakibasa at naki emote sa ikalawang yugto ng Pag-ibig na Hindi,Β (may Pag-ibig na Hindi part 1 pero walang OST eh)Β eto ang acoustic version ng Halik ng Kamikazee […]

    Like

  3. hello, aysabaw… musta… parang gusto ko ring gumawa ng akdang ang pag-ibig na hindi, hihihi. kaway-kaway… πŸ™‚

    Like

    1. gawa na po….dali!!!

      ayeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee

      Like

      1. ahaha, kakahaba naman yata no’n? πŸ˜‰ πŸ™‚ hello, aysabaw. have a good weekend ahead….

        Like

        1. kaya mo yan ate san!!!!!! hihihihihih

          happy weekend! ansarap matulog maghapon….yey

          Like

  4. Awwww, ang lungkot. Ang sakit. Ahuhuhuhu. 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha nahihiya na ako sa pagbaback read mo :p

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: