Maalinsangang gabi. Patawid ng kalsada ang magkasintahan. Pinagmamasdan sila ng mga drayber na nasa bungad ng mahabang linya ng mga sasakyan na naghihintay sa berdeng ilaw para sila ay makausad.
Patuloy ang paglalakad. Tahimik. Walang may gustong magsalita.
Pagod at uhaw, narating din nila ang tabing dagat. Mainit ang panahon pero malamig ang hanging sumasabay sa mga alon na dumadausdos sa dalampasigan.
Sabay na naupo sa buhanginan kung saan ang kanilang mga talampakan ay naabot ng maliliit na lang na mga alon.
Tahimik pa din. Pakiramdaman. Nakikinig sa alon at sa mga taong nagkakatuwaan habang nagtatampisaw sa malamig na tubig. Ang isa ay nakatingin sa isa at ang isa namaβy nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Nangigilid na ang mga luha. Ramdam na ramdam na ang sakit na dulot nang napipintong pamamaalam. Sa ilang minutong pag upo ay unti unting naaalala ang mga masasayang panahong pinagsamahan na lalong nakakadagdag sa sakit na nararamdaman.
Parehas na nagmahal, pero bakit walang pinatunguhan? Bakit walang pinagkasunduan?
Ang isa ay gusto nang mamaalam at ang isa ay gustong pa ring manatili.
I’d love to hear from you!