A Long and Winding Road

By the Beatles. Pinapakinggan ko yan at ang iba pang mga OPM songs  habang binababagtas ang kalsadang patungo sa Abu Dhabi. Anung meron don na wala sa Dubai?

Mas maraming malls at mga maaring mapasyalan dito sa Dubai na higit kesa doon. Pero mas pinili kong magpunta doon sa kadahilanang nais kong bumiyahe ng malayo. Mag unwind habang nag so-soundtrip sa loob ng bus.
Unwind? Oo, nakakapagod ang halos dalawang oras na byahe pero baket ko nasabeng nakakapag unwind ako sa ganitong paraan? Hindi dahil weird ako, kundi dahil nalilibang ako. Ninais ko muli na bumiyahe ng mahaba dahil sa loob ng halos magdadalawang taon na, ang aking ruta sa inaraw araw ay ang sampung minutong paglalakad galing bahay papuntang opisina at ganun din pabalik.

Maaga akong nagising para “lumuwas.” Pag dating sa bus station, napansin ko ang nakapaskil sa salamin ng bilihan ng ticket – “No outside food allowed inside the bus.” Namilosopong Tasyo ako at naisip ko na ang baon kong Oishi ay nasa loob ng bag ko kaya pag pumasok ako sa loob ng bus, ang aking pagkain ay inside food na at hindi outside food. Pag  upong pag upo ko pa lang sa bus ay binuksan ko na agad ang aking Oishi, pagwawalang bahala sa aking nabasa at nagsimula ng papakin ang chichirya (almusal yan). Nang magsimula na ang pag usad ng bus, biglang nag abot ng menu ang kundoktor ng bus. Waaahhhhh…kaya pala bawal na magdala ng “outside food” ay dahil may binebenta silang pagkain. Susyal naman ang bus na ito at may food cart pa, pero limitado ang menu nila. May ilang snacks lang, prutas, juice, kape at sopdrinks. Pero dahil dyan, dali dali kong itinago ang aking Oishi at baka pagbayarin pa ako ng fine.

Pinlay ko na ang mp3 ko para mas feel na feel ko ang roadtrip na ito.

Dala ko ang librong “Life of Pi” sa pag aakalang mababasa ko ito habang bumibyahe. Pero matapos ang isang chapter ay nahilo na ako kaya itinigil ko na ang pagbabasa at nagmasid na lang.

Patuloy pa rin ako sa pakikinig ng iba’t ibang mga kantang luma. Naalala ko tuloy ang pagbyahe byahe ng malayo nung ako ay estudyante pa.

Nakakarelaks. Ang halos dalawang oras na pag upo at pakikinig lang ng musika habang nagmamasid sa mga bagay na dinadaanan at mga  lugar na nilalampasan. Mga gusaling luma, at mga hindi pa natatapos na construction. Mga gasolinahan at mga grocery. Mga taong naglalakad at mga sasakyang nag uunahan. Mga tupang nasa likod ng truck (malamang iyon na ang kanilang pamamaalam). Mga puno at mga halaman. Mga mosque at mga taong patungo rito para magdasal. Stop light. Pedestrian lane. Mga bato at  buhangin. Disyerto. Mga gusali sa disyerto. Factory. Bangko. Kapehan. Kainan. Beach. Mga papunta sa beach. Mga nakatambay. Mga nasiswimming. Mga katabing pasahero na natutulog at nagtetext. Pag alala sa mga masasayang nakaraan. Hindi pag iisip sa mga bagay sa trabaho. Hindi muna ako maglalaba at maglilinis ng bahay. Weekend ko ito!

Pag dating sa Abu Dhabi ay nagpaikot ikot lang sa isang mall, at tumambay sa may corniche hanggang sa gabihin at nag antay na lang ng muling pag uwi at pagbyahe.

Ang tanawin sa Corniche, Abu Dhabi

May souvenir naman ako sa aking paglalakbay at ito ay ang super fluffy na marshmallow na halos ayaw ko nang kainin dahil gusto ko na lang itong titigan.

It’s so fluffy

Sa aking pag uwi ay nakasaksak na naman ang headset sa aking tenga. Napagod ako dahil sa layo ng byahe pero totoong nakakarelaks. Roadtrip ulit ^__^

Kamusta naman ang weekend natin dyan?

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: