Gusto Ko…

Gusto kong gumawa ng kanta

Na pupukaw sa puso ng masa

Awitin ng pag ibig

Malungkot man ito o masaya

Gusto ko gumawa ng kanta

Pero wala akong alam sa musika

Himig ko’y wala sa tono

At sa liriko tiyak ako’y talo

Gusto kong maging makata

Pero wala akong kwento

Mabuti pa si Gloc 9

Masyadong talentado

Gusto kong maging henyo

Ngunit ako’y walang talino

Ipinanganak na ganito

Ano pa bang magagawa ko

Gusto ko magsulat

Kaso kaalama’y silat

Anong gagawin ko

O anong iisipin ko

Gusto kong tumula

Ng mahabang mahaba

Tumingin sa tala

Habang nangangarap

Gusto kong isipin

Na ako’y magkakaroon din

Ng tulad ni Romeo

Na aking iibigin

Gusto kong tawagin

O Romeo ako’y iyong dinggin

Nasaan ka

Ako ay iyong pansinin

Gusto kong tanungin

Si Kupido ba’y nakatingin

O baka naman

Ako ay nagawang limutin

Gusto kong umibig

Pero ayokong masugatan

Ayoko ng sumubok

Baka madapa lamang

Gusto kong lumigaya

O nasaan ka?

Dalawin mo naman ako

Kahit paminsan minsan lang

#FeelingMakataLang

#HindiItoTwitterBakitMayHashTag

#FeelerLangAtEmotera

#KulangSiguroSaLablayp

9 responses to “Gusto Ko…”

  1. pero maganda ang iyong tula! 🙂

    uso talaga ngayon ang hashtag ^^

    #blogwalkingmode

    Like

    1. hello hanna banana….

      #SalamatSaPagdalaw
      ahihi 🙂

      Like

  2. Hmn, napasip tuloy ako kung ano ang gusto ko 🙂

    Hamo’t darating din ang Romeo na yan. Sa ngayon, wait and see game muna tayo 🙂

    Liked by 1 person

  3. napakarami kong gusto…pero higit dyan ay si Romeo…ahihi

    Liked by 1 person

  4. hello, aysabaw… anlagay nyan ay walang-wala pa, ha… hehehe. may tula ako dati, Salansan ang title. basahin mo ro’n pag may time ka. yo’y tulang mahaba na comedy, hihi.

    ay, sows, patulog na ako ay naligaw pa rine. kumustasa… 😉

    Liked by 1 person

    1. ha ha…late na nga po eh….gising na gising ka pa…ahihi

      sige babasahin ko yan ^__^

      Like

  5. Ung feeling na binasa ko po ung mga comments sa way kung paano basahin ung tula. Haha. LOLs. Wala lang po, natawa po ako sa sarili ko.

    Shocks Te, ang galing mo. Sana’y ganyan din ang mga tula ko. Iba ka Te. Ang simple pero malalim. Ang bawat linya, sa puso ko’y tumiim. Ayos. 😍😍😍

    Liked by 1 person

    1. WAHAHAHA enebe puro throwback

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: