Hindi Sakit ang Homesickness

Kahapon ay may nabasa akong artikulo sa Gulf News na pinamagatang Homesickness : Invisible enemy of working abroad. Nilahad dito ang ilang mga panayam sa mga taong naninirahan dito sa disyerto, gayun din ang mga symptoms ng sakit na “Homesickness.”

“Homesickness often has psychological symptoms such as lack of concentration, disorientation, sadness, and recurrent mood changes. But it eventually manifests through physical symptoms such as changes in appetite, in patterns of sleep, or sometimes nausea, and dizziness.”

Sinuri ko ang aking sarili. Naho-homesick ako. Pero wala sa mga symptoms na nasa itaas ang pinagdadaanan ko. Naho-homesick ako, pero wala akong sakit. -__-

Ang alam ko lang ay namimiss ko na ang aking pamilya at ang aming bahay. Namimiss ko ang sikat ng araw na bumubulaga sa akin sa umaga at ang sariwang hangin na aking nilalanghap pag lumalabas ako kapag bibiili na ako ng mainit na pandesal.

Ito…….

……oo ito ang bumubulaga sa akin sa umaga. Ang bundok na natatakpan ng hamog na unti unting nawawala pag sumilip na si haring araw. Ito ang bumubulaga sa akin tuwing umaga. Ang mga kawad ng kuryente na nakabalandra sa harap ng aming bahay. Ito ang bumubulaga sa akin tuwing umaga. Ang mga kalawanging bubong ng aming mga kapitbahay. Oo ito, ang mga simpleng bagay na namimiss ko sa umaga kasabay ng pagtilaok ng mga manok at pagtahol ng mga aso sa mga tricycle na dumadaan upang sunduin ang mga estudyanteng papasok na sa eskwela.

Umaga pa lang ay magigising ka na sa ingay ng mga tricycle na pari’t parito sa pagsundo ng mga bata. May sumisigaw ng taho, pandesal, goto, dyaryo at kung ano ano pa. Dagdag pa rito ang mga pansabong na manok na nakapalibot sa aming bahay na nakikisabay sa panggigising (ay mas maaga pa pala sila dahil alas kwatro pa lang ay tumitilaok na sila.) Kapag Sabado’t Linggo naman, magigising ka sa ingay ng mga batang naglalaro na sa labas o kaya mga kapitbahay na nagwawalis o naglalaba, o di kaya’y nagkwekwentuhan habang nag iigib ng tubig. Talagang nakakamiss.

Sa tanghali naman ay ang masarap na tanghaliang tuyo at kamatis na may malagkit at mainit pang kanin na may kasamang softdrinks na may yelo. Sa kainitan ng tanghali ay hinaharap ko pa ang electric fan sa akin para mas mabilis lumamig ang kanin (oo, masarap ang kaning mainit pag mejo malamig na ng konti. anudaw?) Ilang oras pa matapos ang tanghalian ay may mga naglalako na ng banana cue at turon (nakakapaglaway -__-) at iba pang mga meryenda tulad ng palitaw at biko.

Dahil puro pagkain naman ang nabanggit ko, itutuloy ko na sa hapunan ang talagang nakakamiss na Andok’s Lechon…..waaaahhhhhh….Nakakahomesick lalo……Kasabay ng hapunan ang masayang kwentuhan ng buong pamilya at biruan ng magkakapatid at ang pagbibidahan kung sino ang mas higit at mas magaling at kung sino ang may pinaka nakakatawang istorya.

Nakakamiss din ang pagbuhos ng ulan. Namimiss kong marinig ang pagpatak nito sa aming bubong at ang biglaang pagtakbo ng mga kapitbahay para makuha ang kanilang sinampay. Ang tagal ko ng hindi nakakita ng ulan. Namimiss kong magpayong ha ha. Namimiss kong humigop ng mainit na sabaw ng noodles na magpapainit sa aking tyan habang malamig at maulan. Haay …

Nakakamiss ang lahat ng yan. Naho-homesick ako, pero wala akong sakit. Namimiss ko lang sila 😦

2 thoughts on “Hindi Sakit ang Homesickness

  1. Ah, para din lang stress yan, nagma-manifest din physically. Patuloy akong sumasaludo sa mga nagta-trabaho abroad. To be honest, hindi ko kaya ang ginagawa ninyo. Ilang oportunidad na rin ang dumating sa akin para makapagtrabaho abroad. Pero pakiramdam ko, hindi talaga ako para sa ibang bayan. Siguro, mahina ang loob ko. Siguro, ayaw ko nang mas lumayo pa sa pamilya ko lalo’t simula 13 years old ako ay layo na lang ako nang layo sa kanila, para lang makapag-aral. Siguro nga, sadyang mahina lang ang loob ko sa pangingibang-bayan.

    Ikinatutuwa kong napadpad ka sa kabilang blog ko (nextpictureplease sa wordpress). Maraming salamat sa pagbisita. Minabuti ko nang itong isang blog ko ang gamitin ko sa pag-komento dahil binasa ko ang ilang mga post mo at nakita kong malapit din ang mga ito sa mga isinusulat ko rito, lalong-lalo na ang pagmamahal sa bayan na ating kinalakihan at sa mga mumunting alaala na bagamat aakalain na simple lang at mabababaw ay nakapagdudulot ng ibayong saya sa puso. At, isa pa, dito rin sa blog kong ito ko isinusulat ang pagpupugay ko sa mga OFW na tulad mo 😉

    Like

    1. hello sa iyo!

      maraming salamat sa iyong pagdalaw! 🙂
      totoong parang stress nga lang din ito, pero may mga paraang naman para malabanan ito tulad ng paggawa ng mga makabuluhang bagay at magpaka busy para hindi masyadong ma homesick. Yun nga lang kahit gaano pa katatag ang isang tao, dinadalaw pa rin ng homesickness.
      Anim na taon na din naman akong nagtatrabaho dito, malayo sa pamilya kaya sanay na din naman. May minsan lang talaga na bigla akong dadapuan ng lungkot. At alam kong alam mo rin kung gaano kahirap malayo dahil naranasan mo na ito, at sa mas murang edad pa. HIndi naman siguro sa mahina ang loob mo, ayaw mo na lang din malayo sa pamilya dahil naranasan mo na ito.

      Salamat din sa paggawa ng mga blogs patungkol sa aming mga nangingibang bayan, babasahin ko yan mamaya (pag break time na).
      Salamat muli sa ikatlong pagkakataon! 🙂

      Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s