Pamamalantsa at mga Alaala

Noong Sabado ng hapon, napilitan na talaga akong magplantsa dahil mahigit isang buwan na akong hindi nakapag plantsa ng aking mga damit panlakad. Wala na akong maong na maisusuot kapag naisip kong lumabas at maglakwatsa.

Isinalang ko ang CD ni Regine Velasquez sa player para naman may background music ako habang namamalantsa. Ang CD na itinago sa akin nga aking kakwarto dahil daw baka pagtawanan ko sya pag nalaman kong nakikinig sya ng mga kanta ni Regine (sapagakat puro maiingay ang mga musikang pinapakinggan ko). Hindi nya alam na isa rin akong masugid na taga hanga.

Noong una ay pakanta kanta pa ako at sinasabayan ko ang mga awitin nya. Isinasabay ko sa bilis at bagal ng mga kanta ang pag urong sulong ng plantsang hawak ko at ako ay napapa kembot pa.

Ito ang itsura ng kwarto ko. Wag kalimutan ang electric fan sa gilid at ang mga paintings ng kawayan sa dingding.

Pasayaw sayaw pa ako sa kantang Urong Sulong at feeling diva habang On the Wings of Love na ang nakasalang. Nakaguhit sa isip ko si Regine na nakaharness habang sya ay bumababa sa stage na kala mo ay talagang lumilipad sya. Bulaklakin pa ang gown at may pakpak na parang pang diwata ang kanyang kasuotan. Kinilig naman ng kaunti ng marinig ang Kailangan Ko’y Ikaw ng maalala ang palabas nila ni Robin Padilla. Halos magasgas noon ang DVD na nirentahan ko sa Video City dahil ilang beses ko itong pinanuod.

Nagsimula ang pagiging emotera ko nung marinig ko ang kanyang bersyon ng Bituing Walang Ningning. Biglang bumalik sa aking isip ang mga panahong ako ay namamalantsa ng uniporme ng aking mga kapatid at mga maong ni papa. Ganun din ang mga baro ni mama. Noong mga panahong iyon na wala pa akong trabaho at wala pang maiambag kundi ang gawin ang mga gawaing bahay. Wala din akong mabili para sa sarili ko at hiyang hiya ako sa mga magulang ko na manghingi ng pambili dahil hindi pa naman ako makatulong. Gumuguhit sa aking isipan ang palabas ni Sharon Cuneta na ilang ulit ng nireplay sa telebisyon. Nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa mala rehas na bintana, nakatanaw sa langit at sabay sambit na bukas luluhod ang mga tala.  Dagdag pa rito ng marinig ko ang kantang Narito Ako. Maluluha luha na ako. Naalala ko ang mga panahong wala na ngang trabaho, wala pang buhay pag ibig. Aray!

Sumunod namang kumurot sa dibdib ang kantang Kung Maibabalik Ko Lang. Dito naman nagbalik ang alaala ng unang naging pag ibig at ang mga kasawian (ayeee mahabang kwento hindi ko na isasali dito).

Napansin ko na lang na ako ay napapagod na at halos dalawang oras na akong nagpaplantsa at nag eemote kaya ako ay natauhan at binilisan ko na.

Siguro kung papakinggan ko pa lahat ng kanta ni Madame Regine ay mas marami pa akong maalalang mga masaya at malungkot na mga bagay at mga pinagdaanan. Isa syang kinatawan ng musika na kinalakihan na natin at nakapg-relate tayo ng napakaraming pangyayari sa ating buhay sa halos lahat ng kanyang awitin.

Ikaw, ano ang awiting kumukurot sa puso mo? 🙂

Author: aysabaw

Aysa is a self-proclaimed hotelier without any culinary talent. She used to fly around Dubai for ten years via her magic carpet but destiny led her to a new path. She is now a little mermaid swimming in and around the Maldivian waters. If she is not reading her books, writing something comical, leaving rubbish comments on your posts or strumming her guitar, then she's up to some mischief.

3 thoughts on “Pamamalantsa at mga Alaala”

  1. hello, aysabaw… haha, natawa ako rito… ako rin, isang century nang di nakakapag-plantsa. inumpisahan ko na nong isang gabi at ewan, kelan uli ang kasunod, haha.

    hala, maganda ang movie nina Regine at Robin na ‘yon, as in…

    btw, gusto ko ang song na di ko alam ang title pero may gantong lyrics – “Sa dinami-dami ng aking minahal, kung sinu-sino ang umiibig…” parang gano’n. ayiii… good day sa iyo ~ Ate San

    Like

    1. hello Ate San!
      ha ha ha…ansaya magplantsa…nagiging emo…toinks! 🙂

      paborito ko din yung Kailangan Ko’y Ikaw….ahihi

      Iisa Pa Lamang ang title nyan by Joey Albert…..hala kilig moments dahil sa kanta…hindi pa Pebrero…ahihi

      Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s