Sa Paglipad ng Aking Utak

Habang sinusulat ko ito ay kasalukuyang akong nakaupo  sa harap ng lupon ng sampung tao na nagpupulong upang pag usapan ang isyung pinansyal ng aming kumpanya. Habang nagpapaliwanag si big boss at nakikinig ang lahat, bigla namang  lumipad ang aking isipan. Inisip ko kung ano ang itsura nitong mga kaharap ko kung sila ay magiging karakter sa komiks. At dito na nagsimula ang kalokohan ko. 🙂

Ipapakilala ko sa inyo ang ilan sa mga miyembro ng Kurbata Gang. Sila lamang ang aking naiguhit dahil sila ang mga nakaupo sa aking harapan kung kayat sila ang naging sentro ng aking makalokohang pagtingin.

 Ang nasa kaliwa ay si Kurbata Kid. Isa sya sa pinakabatang miyembro ng Kurbata Gang. Sa pulong na ito, sya ay nakikinig lamang at nag tsa-tsaa. Wala syang kontribusyon masyado sa araw na ito.

Katabi naman ni Kurbata Kid, si Alahas Kid. Marami syang ginto at accessories sa katawan kaya ko sya tinawag na alahas kid. Sya naman ay tahimik sa pulong pero nakakapag ambag sa usapan.

Si Labo naman ang nasa kanan ni Alahas Kid. Si Labo ay madaldal at nakakairitang talaga.

Kahuli hulihan naman ay ang bagong hirang na Prinsipe ng mga Kurbata. At dahil bago pa lamang sya ay inoobserbahan nya pa lang kami.

 Sa pagpupulong na ito, mangilan ngilan lang ang nagsasalita kung kaya’t iniisip ko na baka tulad ko, ang iba sa kanila ay kalokohan din ang naiisip. Iba’t iba ang itsura ng mga taong nasa pulong at ang reaksyon nila sa bawat diskusyon. May ibang nakatulala lang at nagmamasid sa mga nagsasalita, may iba namang bida ng bida at wala naman talagang alam. Meron namang tahimik pero syang nakakaalam ng mga bagay bagay at meron din namang nakikitawa lang. May ilang hindi nakakaintindi ng salitang “sarcasm” at may mga ibang walang pakialam. Meron ding nagmamadali na matapos ang pagpupulong na animoy masyado syang abala sa kanyang iba pang gagawin at akala mo’y ang kanyang trabaho ay isang bagong silang na anak na pinananabikan nyang makapiling.

Habang lumalamig ang aking kape sa loob ng silid ay patuloy din ang pagdugo ng aking tenga sa  pakikinig sa mga taong “minu-murder” ang wikang ingles at sa tingin ko ay kaylangan munang bumalik sa pag aaral at itatak sa isip ang kahalagahan ng grammar.

Nabasag naman ang aking paglipad dahil sa isang babaeng walang ginawa kung hindi magpadala ng mensahe upang ihabol ang papeles nyang pinapapirmahan. Dahil iisa lamang ang gagawin nya sa buong maghapon (at iyon ay ipaalala sa akin na kelangan nya ang dokumento nya ngayon) ay wala syang ibang ginawa kundi tawagan ako o padalhan ng mensahe ng pagpapaalala upang ipakita na meron syang ginagawa. Nawala ako sa konsentrasyon kaya dito na magtatapos ang aking kwento. Ipapakilala ko muna  sya bago pa matapos ang lahat.

 

Sya si Yosi Girl. Dahil wala syang magawa sa opisina sa buong maghapon ay suki sya ng aming bakuran at nangunguna sa pagbuga na parang tambutso at isa sya sa nag aambag sa polusyon ng sangkatauhan. Sya at ang kanyang usok. Wala syang ginawa sa maghapon kung hindi manigarilyo at makipag kwentuhan at pagbalik naman sa opisina ay makinig ng musika.

 At dahil ako ay isang abalang tao sa opisina, napakaiksi ng oras ko para gumawa ng mahabang kwento kaya dito nagtatapos ang maikling istorya para sa araw na ito. Hanggang sa muli 🙂

4 responses to “Sa Paglipad ng Aking Utak”

  1. Ang cute niyo pong magdrawing saka magbigay ng alyas. 😍😍😍

    Liked by 1 person

    1. WAAAAAH antagal na nitong post na ito

      Like

      1. Ou nga po eh. Pabibo po ako noh. Hihi. Para maka-relate po ako if ever na may sequence posts po kayo. Ahihi. 😍😍😍

        Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: