Pag-alala sa Martial Law

Hindi ako mahilig sa pulitika. Ni hindi ako nagbabasa ng mga artikulo patungkol sa mga ito at hindi ko inalala masyado ang mga tinuro sa eskwela dahil hindi talaga ako interesado.

Sa pagbukas ko ng facebook ay may bumungad sa akin na mga larawan at status na pumapatungkol sa pag alala sa deklarasyon ng Martial Law. Iba’t ibang opinyon, natural dahil iba’t iba ng paniniwala.

Hindi pa ako ipinapanganak noong dineklara ang Martial Law. Isa akong pangahas kung sasabihin kong may alam ako sa mga nangyari, o maghahayag ako ng opinion na parang alam ko ang lahat. Pero napakaraming katanungan at palaisipan na hanggang ngayon ay hindi pa din alam ang tamang kasagutan.

Maraming nagsabi na napakahigpit ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos. Bukod sa kanyang kahigpitan, ay umabuso pa ang kanyang mga tauhan. Hindi nya naman mababantayan ang galaw ng bawat isa sa mga ito. Umabuso sila dahil nabigyan sila ng kapangyarihan. Sa panahon ngayon, malaya ang lahat. Andyan ang tinatawag na demokrasya. Lahat may kapangyarihan magsalita ng nais nila, ginagawa ang gusto nila, pero nasaan ang Pilipinas ngayon? Maya’t maya may rally ang mga grupong nais maghayag ng kanilang paniniwala, pero may nangyayari ba? Walang masama sa demokrasya, pero dapat may limitasyon. Wala ding masama sa pagiging mahigpit, kung alam din kung hanggang saan ang limitasyon.

Kurakot daw si Marcos (o sabihin na nating ang kanyang mga kamag anak at tauhang abusado), pero magkano ang palitan ng peso sa dolyar noon? Ikumpara mo din sa palitan ngayon.

Ang sabi nila’y si Marcos daw ang nagpatumba kay Benigno Aquino na syang nag umpisa ng kanyang pagbagsak. Sinong makapagpapatunay?

Bilang isang pinuno, hindi ganoon kadali magdesisyon. Oo, kailangang unahin ang kapakanan ng mamayan pero napakaraming bagay ang dapat isa alang alang sa bawat desisyon at maraming dapat isakripisyo para maabot ang minimithi. Maraming tao ang nakakaapekto sa bawat desisyon, at maraming desisyon ang hindi napapatupad ng tama.

Sa mga patuloy na nagsasaliksik, mahanap nyo sana ang tama. Sa mga patuloy na bumabatikos, sana alamin nyo muna kung ano ang tama. At para sa mga nagsasabing hindi na dapat magkaroon pa ng Martial Law, ikumpara nyo ang Pilipinas noon at ngayon sa lahat ng aspeto ng pamumuhay mula sa ekonomiya ng bansa hanggang sa moral ng sambayanan. Timbangin nyong maigi.

One response to “Pag-alala sa Martial Law”

  1. […] Oh well, no. I wrote it 2 years ago (oh no! has it been that long?) and as I go through what I have written I was trying to figure out if my resolve has changed as the year […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: