Pagbabalik tanaw ng isang Isko.
PUPCET
Kaba-kaba-kaba!
Madaling araw pa lang ako ay naglakbay na papuntang Sta. Mesa kasama ang aking butihing ina. Dala ang bag na may lamang ilang lapis, ballpen, tinapay, mansanas, tubig at zesto. Hindi pwedeng magutom. Baka hindi gumana ang utak. Maraming tanong. Maiksi ang oras. Iwanan na ang mga tanong na nanghihingi ng solusyon. Pag isipan ang kasunod na litrato sa pattern. Sino ang kauna unahang Pilipinang nanalo sa Ms. Universe. Bilisan. At talasan ang isip. Papasa kaya?
Enrollment
Kasama ko pa din ang aking butihing ina. Hindi pa ako sanay sa Maynila. Ang haba ng pila. Pasikot sikot ang proseso. Ako ay nahihilo.
Pasukan na!
Bagong kamag aral. Bagong kaibigan. Bagong ballpen. Bagong papel.
Hasmin Building
Dahil sa aming kurso, iba ang aming building. Mas maliit at mas tahimik. May uniporme na parang kami ay hayskul pa. Pero pagtungtong ng ikatlong taon, kami naman ay nakapang opisina na. Dahil malayo kami sa main campus, kelangan pa naming mag tricycle papunta don kapag may mga minor subject na doon naka base sa main. Tulad ng P.E. at iba pa. Mahirap mag tricycle, lalo na kung walang bubong at wala ding sandalang bakal sa likod. Paano ako kakapit manong?
Jeep
Hindi ka isko kung hindi mo naranasang sumakay sa patok na patok at bumabangking na jeep ng bagets na bagets na si manong at ng kanyang poging poging kundoktor.
Human Rainbow
Kasali ako dun. At ako ay kulay asul. Sa aking alaala ito ay para sa sentenaryo. Hindi ko makakalimutan yan sapagkat ako ang ingat yaman ng klase at napakahirap mangulekta ng perang pambayad sa t shirt at sombrero. “ Hwag nyo muna labhan” ika ni ma’am, “baka kumupas, saka na lang.”
Unli Goto
Hindi ko yan natikman. -__- Hindi ako makasinget. Hanggang kwek kwek na lang ako. Balita ko ngayon, uso na daw ang Angry Balls?
Pila sa pagbabayad ng tuition fee
Wala ng hihigit pa. Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Isa lang ang pipila, pero maya maya, buong klase na ang nakasinget sa harap mo. Unahan base to! Save mo ko!
Tuition fee
Tuition fee namin sa buong semester, baka baon mo lang sa isang araw ate!
Baha
Limang piso para itawid ka ni manong sa mga batong malalaki na ginawa nyang tulay para hindi ka lumubog sa tubig.
Tren
Ayan na ang tren!!! Bawal na tumawid!!! Kapag mahuhuli ka na sa klase, iyan na ang tinatawag na agaw buhay moments 🙂
LRT
Sa mga tulad kong ruta ay pa Santolan, salamat sa LRT at sa iyong maluwag na kalooban. Kami ay pwedeng magsayawan \m/
Pagiging aktibista
Habang nagkaklase kayo, may makikita ka na lang na mga estudyanteng naglalakad sa korihidor at may dalang mega phone.
Rakista
Porma pa lang alam na. May key chain ka bang voo doo doll? May bracelet ka bang bakal, yung parang kay kurapika? Makapal ba eyeliner mo? May bangs ka ba? Nakapanood ka ba ng concert ng Parokya sa Gymnasium? Ako hindi, kasi hindi ako nakasinget man lang o nakapasok sa gym 😦
I’m sorry my love
Napanood ko sa ulat ni Jessica Soho. Ang tamis mo kuya, pero mag aral ka muna at mag tapos. 🙂 Kapayapaan!
Higit pa sa lahat ng ito, pinaka hindi ko makakalimutan ay ang mga tao na nakasalamuha ko. Nakasama sa loob ng apat na taon, mga propesor na nagturo ng mga leksyon ng buhay at mga karanasang hindi mapapantayan. Mga bagay at tao na naghubog sa aking pagkatao. Salamat sa inyo. Sa aking sintang paaralan, tunay kang tanglaw ng bayan. PUP Pinagpala!
Nice blog ate. 🙂 Fellow PUPian here! 🙂
LikeLike
hallooooo kapatid! salamat sa pagdaan 🙂 wag ubusin ang mga upuan 🙂
LikeLike
Human Rainbow!!!!!!!!! Hindi tayo nagkita? LOL! Nasa yellow ako. Sabi ng ate ko para raw hindi ako masagasaan sa gabi, antingkad kasi. 🙂
LikeLiked by 1 person
ha ha ha…so isko ka din pala..asteeg.
Nasa blue ako eh…
LikeLike
yes, yes, yes! Edukasyong dose pesos! 😀
LikeLike
ha ha ha….dose na ba nung time natin? hindi ba otso pa non? wahahahaha o OA lang pagkakaalala ko ha ha
LikeLike
hahaha.. actually di ko na matandaan. basta alam ko kasyang kasya na 500, sobra pa ata. hihi. 🙂
LikeLiked by 1 person
ha ha…never nga ako nagbayad ng 500 eh…usually nasa 400++, may minsan nga 200++ lang nung konti units ha ha
LikeLiked by 1 person
talaga????? baka may kasama ng kickback yung akin. Shh..wag mo ko sumbong a?
LikeLiked by 1 person
ha ha ha uso naman yang kick back noon….saka depende naman sa dami ng units mo ung tuition diba ha ha….ano nga pala course mo?
LikeLike
Accounting. At hindi tototong magaling sa math ang kumukuha ng kursong yan. Believe me, mostly, add, minus, multiply at divide lang ang math diyan. (defensive) LOL
LikeLike
ha ha ha……defensive? wala naman akong sinabi. Pero masama loob ko sa Prof ko sa accounting. Siya may kasalanan kung bakit di ako naging Laude. Nag-iisang tres sa transcript ko bwahahhaahah
LikeLike
Awwwwww!!!! I feel you! Masama rin loob namin sa kanila. Or sa ilan lang naman. Uso tres sa accounting e. hahahha Pero pahamak yan kung running ka for laude. Aguy.
LikeLiked by 1 person
ha ha ha…pero ayus lang. ganun talaga ang buhay. not meant to be lang talaga siguro ha ha ha
LikeLike