Hango lang sa una kong blog sa kabilang website…naaliw lang ako basahin hehe
Unang una, hindi ako kumakain ng keso, pagkaing may keso, at kahit anong may kinalaman sa keso.
Pangalawa, sino ang nag alok ng pizza?
Nakakapagduda talaga dahil inalok ako mag pizza for lunch ng babaeng hindi ko talaga makasundo sa opisina.
Ano ba ang tamang reaksyon?
Reaksyon number 1:
Thank you so much, I’d really love to share your pizza for lunch.
Resulta:
Pag ganyan ang sinabi ko, mauumpisan na ang plastikang walang hanggan. At manunuot lalo sa kaibuturan ng aking puso ang pagka muhi ko sa keso.
Sabihin na nating pumayag ako na sumabay sa kanya maglunch at makishare sa pizza nya, so ano ngayon? Magtititigan na lang ba kame habang kumakain? Malamang wala naman kaming mapag uusapang maganda.
O paplastikin ko ang sarili ko at sasabihing ” This pizza is really good! Lets order pizza once a week for lunch. ” Kahit sukang suka na ko sa paglunok ng pagkaing may keso na para sa akin ay kryptonite ang dating.
Pwede rin namang dito na maumpisahan ang aming “friendship” (ahem).
Reaksyon number 2:
Thanks but I don’t eat pizzas especially with you. (Sabay ismid)
Resulta:
World War III
Reaksyon number 3:
Thank you so much, I’d love to join you but I don’t eat pizza.
Resulta:
Plastic pa din, pero in a good way.
Napigilan ang world war III. At napigilan ang plastikang walang humpay.
Naku po!
Sa susunod na may magaalok ng pizza, kelangan ko pa bang isipin ang lahat ng to bago sumagot?
🙂
I’d love to hear from you!