It’s all about love concert (Side A, Callalily and K Brosas)

Oo, nagconcert nga dito ang Side A sa Dubai kasama ang Calallily at si K Brosas nung September 7.  Bihira ang mga gantong concert sa Dubai na pinupuntahan ko. Depende sa kombinasyon ng mga performers.

Hindi ko masyadong nakahiligan ang musika ng Callalily kasi sa totoo lang, tatlong kanta lang nila ang alam ko. Isa pa, bago pa lang sila noon nung lumipad na ko papunta dito kaya hindi ko sila masyadong nasubaybayan. Si K Brosas naman…hindi ako big fan pero pinapanood ko din naman dahil nakakaaliw. At syempre ang Side A, batas na yan sa larangan ng musikang pinoy at walang pinoy ang hindi makakaalam ng mga kanta nila.

Nung una, parang pinag isipan ko pa kung pupunta ako. For sure kasi, dadagsa ang mga kabayan dito sa Dubai “of all types and ages”. Mas gusto kong nagpupunta sa mga rock concerts kasi alam ko kung anong uri ng crowd ang nandon ( I’m not refering to the guys na nangugulo). And if you are a rock fan, you will know what I mean. Mas gusto ko din ang mga concerts na walang seating arrangements kasi feeling ko mas masaya yon at makakalapit pa ko sa stage. Pero dahil  nakabili na din ako ng ticket, hindi ko na lang inisip ang mga “factors to be considered” ko when attending concerts or gigs (inarte lang).

Sinabihan kami ng organizer na 9pm ang start ng show kaya nag desisyon kaming pumunta ng alas syete ng gabi. Pagdating namin don ay halos puno na ang VIP at regular seats (VIP ticket ang binili ko). First come first serve basis at kahit na alam namin yon, hindi namin akalain na alas sais pa lang eh magdadagsaan na ang mga audience.  Nainis ako kasi masyado ng malayo sa entablado ang pwesto namin. Wala kaming nagawa kundi mag pa upgrade ng VVIP kaya medyo nakalapit kami. Pagpasok ko pa lang din, napa – hay na lang ako sa nakita ko. Hindi ako sanay magpunta sa mga concert na may mga audience na naka long dress. Feeling ko sa musical play sila pupunta at hindi sa rock concert.

Unang nagperform ang Callalily. Natuwa ako sa performance nila, kahit na tatlong kanta lang talaga nila ang alam ko. Nag cover din sila ng isang kanta ng Eraserheads at yung One of Us ni Joan Ozborne. Naka tweet ko si Tatsi bago sila pumunta dito, pero sa kasamaang palad, nginitian nya lang ako nung nakalapit ako sa entablado.  Nag enjoy ako sa performance nila at nakakalungkot lang at hindi ko natupad ang aking sinabi kay Tatsi na ililibre ko sya ng Shawarma 🙂

Sumunod na nagperform si K. Nakakaaliw sya talaga. (Ang haba ng description ko sa performance nya).

At ang pinakaaabangan ng lahat ay walang iba, syempre ang Side A.

Noong nasa Pilipinas ako ay hindi ko nagawang mapanood ang Side A ng live. Kahit pa man kasi noong bata ako ay sikat na sikat na sila pero wala pa naman talaga akong pambayad sa ticket para makapunta sa mga gigs at concert nila. Napapanood ko lang sila sa mga TV guestings nila at napapakinggan sa radyo. Ni wala din akong pambili ng cd o tape man lang nila.

Andaming mga alaala ang nagbalik nung nagsimula na silang kumanta. Natuwa ako sa naalala ko nung kinanta nila ung Tell Me. Naalala ko nung estudyante pa lang ako. Mahilig akong makinig ng radyo noon. At noong mga panahong iyon, ang aking radyo ay maliit at isang tape lang ang pwede ilagay. De baterya din yon kaya kahit brown out pwede. Nabili din yun ng mama ko sa halagang 200 pesos lang.

Kapag naririnig ko ang kantang Tell Me, lungkot na lungkot ako. Ramdam na ramdam ko yung lungkot ng kanta na tipo bang matindi ang pinagdaanan kong heartache. Pero NBSB naman ako noon (aray). Gustong gusto ko din (sana) tugtugin yan noon, pero D-A-G-A palang ata ang alam kong chords ng gitara. Wala pa kaming internet sa bahay noon at hindi ko pa alam na may ultimate-guitar.com pala (kung meron na ba nung panahon na yon). At yung gitara ko pa noon at nylon pa ang kwerdas at wala sa tono dahil hindi ako marunong magtono, at wala sa magulang ko ang marunong tumugtog.

Naalala ko ang pangangarap namin na magkaroon ng acoustic duo ng matalik kong kaibigan nung high school. At nakalinya sa mga nais naming tugtugin ay ang mga kanta ng Side A. Pero nang kami ay makapagkolehiyo at magkahiwalay na, nawala na ang aming mga pangarap. Nagsimula na din akong makinig sa iba’t ibang uri ng musika noon at unti unti kong naalis ang mga “love songs” mula sa aking play list.

Umabot ako sa panahong ito na mas madalas nakikinig ng mga maiingay na tugtugin. Ngunit ganun pa man, ang paggalang sa iba’t ibang klase ng tugtugin at musikang gawa ng mga nagnanais lamang ipahayag ang kanilang nasa kalooban ay nariyan pa rin. Sa totoo lang, ang makarinig ulet ng live music tulad ng mga awitin ng Side A ay nakakapagpalambot ng puso at nakakapagpabalik ng napakaraming alaala. Hindi ko man maikwento lahat, sa susunod na siguro na mga bolgs.

Gaya nga ng nasabi ko na kanina, batas na sila sa larangan ng musika. At siguro halos lahat ng musikerong Pinoy ay nais sundan ang yapak ng bandang ito. At para sa tulad ko, na isa ring musikera (o nagpapanggap lang) taas noo sa lahat ng mga gumagawa ng magagandang himig at liriko. At sana din, ako man ay makagawa din ng sarili kong musika na maibabahagi ko sa lahat.

Sana may sense ang sinulat ko 🙂 hehe

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: