Nag-aral ba tayo para maging waitress lang?

Taong 2006 nung ako ay nakatungtong sa entabladong minimithing matapakan ng bawat estudyanteng nagnanais ng magandang kinabukasan. Simula na ito ng panibagong lakbayin ng buhay. At para sa napakaraming  tulad ko na kakatapos lamang ng kolehiyo noong panahong iyon, kanya kanyang sikap naman na makahanap ng disenteng trabaho.

Naalala ko ang mga panahong wala kaming magawa sa klase habang wala pang propesor, tinanong ako ng kaklase ko na itago natin sa pangalang “D” ng ganito – ” Nag aaral ba tayo para maging waitress lang pag katapos?” Ako nga ay napaisip dahil sa sinabi ni D.  Andaming tanong na sumagi sa isip ko noon at naisip ko ang lahat ng hirap ko kung mauuwi lang ako sa pagiging waitress. Bachelor in Hotel and Restaurant Management ang kursong aking kinuha sa aking Sintang Paaralan. At naisip ko nga na, bakit nga ba ako kumuha ng gantong kurso? Ano ba ang unang trabahong makukuha ko pag natapos ko ito? Bakit ko kelangang mag aral ng apat na taon para maging waitress lang pagkatapos? Samantalang yung ibang hindi naman din nakatapos ay nakakakuha din ng ganong trabaho?

Balikan natin ang panahon na kung saan ay ako ay nasa 4th year high school pa lamang at nag hahanap ng Unibersidad na mapapasukan at nag iisip kung anong kurso ang kukunin. Sa iisang unibersidad lang ako kumuha ng entrance exam. Iyon ay dahil doon ko lang gustong pumasok dahil sa baba ng tuition fee dahil kapos kami noong mga panahong iyon. Isa pa ay 150 pesos lang ang binayaran ko para makapag exam, oh mas mababa pa ata. Nalula ako sa presyo ng entrance exam fees sa ibang sikat na unibersidad, kaya hindi na lang din ako sumubok.

Sa pag puno ng application form, kelangan isulat ang unang  tatlong kursong nais ng applicant kaya kelangan mag isip.

Unang una kong nilagay ang HRM (Hotel and Restaurant Management), sunod ang Business Management at huli naman ang MassComm. Kung maapansin nyo, lahat ng pinili ko ay yung halos walang Math sa curriculum, o kung meron man ay basic lang. Naisip ko noon na gagayahin ko ang tiyuhin ko kaya kukuha ako ng HRM. Sa isang cruise ship kasi sya nagtatrabaho at nakita ko kung gaano karangya ang pamumuhay na naibigay nya sa dalawa nyang anak. Hindi sya nakapagtapos ng kolehiyo pero mas malaki pa ang kinikita nya kesa sa mga ibang degree holder na kasing edad nya. At kung tutuusin, waiter lang sya, pero napakaganda ng buhay nila. Kaya lalong nabuo ang desisyon ko na kunin ang kursong iyon. Pursigido akong magtrabaho din sa cruise ship pagtapos kong mag-aral.

Habang ako ay nag aaral, natutunan ko na malawak pala ang saklaw ng industriyang aking nais pasukin. Maari kang magtrabaho sa hotel, restorant, bar, fast food, events company, catering at pwede ka pa palang luminya sa airlines. Maari ka ding magturo kung iyong nanaiisin. Pero habang malapit na ako sa pagtatapos, at nang ako ay nakaranas na ng mga practical trainings sa hotel at restaurant, naisip kong hindi ko alam kung saan ako pwede. At lagi akong bumabagsak sa sagot na “mag aapply akong waitress pag na tapos ako. Dun muna ako magsisimula.” Nauumpisahan na din akong tanungin ng mga kaibigan ng aking ina, na saan ko nga daw balak mag apply ng trabaho pagkagraduate ko at anong trabaho ang gusto ko. Sinasabi ko palagi na mag aaply ako agad sa barko kahit hindi ko naman alam kung paano at kung makakapagbarko nga ba talaga ako. Alam kong pag sinabi kong magiging waitress ako pagka graduate ko, baka naman matawa sila at sabihing “nag-aral ka pa?” Kasi naman, tulad ng mga anak nila na magiging inhinyero, accountant o nars pagkagraduate, eh hindi ko talaga sasabihin na magiging waitress ako. Hindi naman nila maiinitindihan pag sinabi ko kung bakit ganun ang gusto ko. Sinasabi ko na lang sa aking ina noon na, “hayaan mo na, pag nakapagbarko na ako, lalampasuhin ko ang sweldo ng lahat ng mga inhinyero at accountant na yan, kahit gaano pa sila kagaling sa math.” (Yun ang fighting spirit!)

Nagkaroon kami ng pag uusap ni D at pag uunawa sa naitanong nya. Sabi nya ” Bakit parang lahat ng trabahong pwede natin applyan pagka graduate eh puro pagsisilbi naman sa ibang tao? Pag sa restorant tayo ano ba ang aapplyan naten? Waitress? Bartender? Chef? eh hindi naman din tayo magaling magluto (palagi lang kaming taga pamalengke at tagahugas ng pinggan tuwing may cooking class kami noon.) Kapag sa hotel naman, anu tayo? Chambermaid? Receptionist? Eh wala ba tayong mapapasukang trabaho na tayo ang pagsisilbihan? O kaya hindi ba tayo pwede pumasok sa opisina? ” May punto nga sya don. Para nga kaming nag aral maging mga serbidora. Sinabi ko na lang sa kanya na, ” Wala namang tao na pag ka graduate eh boss ka na agad, maliban na lang kung nag aral ka sa napakagandang unibersidad, o kung galing ka sa mayamang pamilya na nag aral ka lang para makakuha ng diploma at pag tapos eh ikaw na hahawak sa family business o company nyo.” Napakibit balikat nalang kami pareho dahil huli na ang lahat para magbago pa kami ng kurso at wala na rin naman kaming magagawa.

Hindi pa man kami nakakaakyat sa entablado, excited na kami maghanap ng trabaho. Mayo pa ang graduation pero Marso pa lang ay nag aaply na kami. Hindi pala ganun kadali. Tinawagan ako para interbyuhin sa isang kaswal na restaurant sa isa sa mga malls na nasa area na pang mayaman at hindi ako nakapasa sa interbyu. Sabi ko ok lang. Isang beses pa lang naman yan. Tinawagan ulet ako para interbyuhin sa pinakasikat na kapehan sa bansa. Sobrang excited ko. Kasi bihirang bihira ang nakakapasa doon ayon sa aking  mga kaklase, at ilang beses na silang nag apply don pero ni hindi sila natawagan. Pag punta ko sa opisina nila, group interbyu pala. Nanlata ako. Lahat ng kasabay ko ay mga galing sa mga sikat na unibersidad. Yumuko ako at  tiningnan ang suot kong damit.  Pinagmasdan ko sila at pinakinggan ang kanilang pinag uusapan. Biglang nawala lahat ng “self-confidence” na baon ko. Tahimik lang ako habang inaantay namin ang mag-iinterbyu samen. Dumating sya at naging masaya naman ang group interbyu na iyon. Nung matapos ang interbyu na yon, naisip ko na sila man na nag aral sa mga mamahaling unibersidad eh kasabay ko ding nag aapply para maging barista. Kaya nabuhay ang aking loob. Natuwa din ako at makalipas ang ilang araw ay tinawagan ako para sabihing nakapasa ako at mag aantay na lang ng bagong pwesto na bubuksan ang kapehang iyon na kung saan ako ay madedestino.

Sa pag aantay ko ay nakasubok din akong mag apply sa ibang mga kumpanya. My kaklase akong nagsabi na, mag apply ako sa isang ahensya na nag papadala ng mga Pilipino sa ibang bansa. Walang anu ano ay nag apply din ako, at nakapasa sa interbyu. At binigyan ng kontrata para maging waitress at ilang buwan pa ay nakalipad na ako patungo sa bansang sinasabi nilang “land of milk and honey” ika nga.

Ito ang una kong trabaho. Narating ko ang napakalayong disyerto na mag-isa, walang kakilala kundi ang mga kapwa ko empleyado, malayo sa kamag anak at lahat ng mga kaibigan. Nahirapan ako sa umpisa at nakita ko ang iba’t ibang sitwasyon ng ating mga kababayan sa lugar na iyon. Sinabi ko sa sarili ko, hindi ako mananatiling waitress at ipinapangako kong hindi ako lalampas ng edad na tatlumpu na nagsisilbi pa rin. Nais kong magbunga ang lahat ng aking pinaghirapan noong ako ay nag aaral pa lamang. Nais kong patunayan na ang kursong kinuha ko ay hindi lamang para sa mga taong walang karunungan sa math. Nais kong patunayan higit sa lahat na ang pagiging waitress ay hindi basta basta. Hindi lahat ng tao ay kayang  ngumiti kahit sobrang dami ng hinanakit mo sa buhay. Hindi lahat kayang manilbihan at makisama sa iba’t ibang uri ng tao. At higit sa lahat hindi lahat may karakter na kaaya aya para luminya sa propesyong ito.

Hindi nga ako nag aral para maging waitress lang. At hindi dapat nila-lang ang trabahong iyon. Isa iyong propesyon na ginagamitan ng abilidad at kaaya ayang karakter.

Hindi ako nag aral para maging waitress lang. Bagaman doon ako nag simula, umusad ang aking karera at umangat.

Hindi na ako isang waitress. Pero ikinararangal ko ang trabahong naging susi para mabuksan ang aking isip sa industriyang ito, nakapagturo sa akin ng napakaraming bagay at naging daan para marating ko ang lugar na kinalalagyan ko.

🙂

____
Maraming salamat po sa mga bumabasa ng isinulat ko patungkol sa mga kalimitang itinatanong tungkol sa HRM Course at para po sa mas marami pang impormasyon, pakidalaw po ang blog ko na naglalaman lamang ng mga post patungkol sa hospitality http://hotelierako.wordpress.com/. Salamat po ulit 🙂

65 thoughts on “Nag-aral ba tayo para maging waitress lang?

    1. Hindi ba ako yung si “D”? Haha parang may natanong din akong ganyan habang graduation namin e. Anyway, ang galing lang. Ang galing kasi naka-relate ako ng sobra. Ngayong wala akong trabaho at matagal nang tambay sa Pinas, nabigyan ako ng lakas ng loob nitong sinulat mo matapos yung maling nagawa ko sa ibang bansa din. Salamat.

      Like

      1. ha ha ha. Hoy GaGamBuni. Magkabatch ba tayo? palagay ko hindi. Sinauna pa ako eh ha ha.

        Salamat sa pagbabasa mo sa napakahaba kong kachorvahan. At dahil diyan ifofollow kita.

        Like

  1. hello, aysabaw… ang ganda ng kwento mong ito. it’s a story of a dream, perseverance and more or less, triumph, ahaha. ang lakas ng iyong loob, pahingi nga, as in… 😉

    naibigan ko ang ilan mong hirit – “(palagi lang kaming taga pamalengke at tagahugas ng pinggan tuwing may cooking class kami noon, lalampasuhin ko ang sweldo ng lahat ng mga inhinyero at accountant na yan, kahit gaano pa sila kagaling sa math.” hihihi

    mabuhay ang di magagaling sa Math, mabuhay…. 😉

    seriously though, i don’t think it’s “pagwi-waitress lang.” maybe, alam mo na ngayon – it’s service and hospitality and lots of listening to customers, di ba… ‘lam mo (just my thought, ha), halos lahat naman ng works, service – pakikinig, pag-intindi at pagbibigay sa hiling ng public or customers or clients – private or public man, di nga.

    pag-solve sa problem na ipini-present nila. iba-iba lang yata ang uniform na suot, rules ng company or agency, culture and trappings ng organizations or institutions pero parang ganoon – nagsisilbi lahat. feeling ko, ahaha… so, hindi “lang” ang propesyon mo, i think..^^ and am sure, you look & dress better than most, hehe.

    Magandang Pasko sa iyo! 🙂

    Like

    1. hello ate san!

      naku nahalungkat mo pa itong aking mahabang istorya?
      ewan ko ba at nung nagkaron ako ng blog eh naisip ko ito…ha ha ha…the guts lang magsabi na lalampasuhin ko lahat ng magagaling sa math (palibhasa mahina eh) pampalubag loob…wuhahahhahaha

      naglabas ata ako ng sama ng loob sa mundo nung sinulat ko ito

      sana nga lang hindi maka offend…wahihihihih

      Malapit na nga ang pasko, maligayang maligaya!

      Like

  2. Hayy .. nakakainspire nman po ito ^____^

    Freshmen Tourism Management student plang po ako ngayon. Nagaaral sa Semi-Private na College di kc aford ang University.

    Nape-pressure po ko pag tinatanong ng mama ko at mga tita ko kung ano bang trabaho makukuha ko after nito. Actually di ko nalng po sila pinapansin kasi di ko din po sigurado ang isasagot. Nakakahiya po sabihin na “mag eeroplano ako” kc lagi nalang nilang sinasabi na “diba dpat matatangkad yan” di naman po kasi ako matangkad 5’0 – 5’2 lang po siguro height ko. Instead na i’cheer nila ako, hindi eh dini-discourage pa yata ako. Kaya minsan napapaisip din po ako eh makakapasok kaya ako ?? Nasimulan ko na po to, at ayoko ng magshift pa ng course kac feel ko po to eh. Ayoko po kunin yung kursong ayaw ko, dahil baka mas lalo ako mapressure at di makatapos.. Hehe

    Natuwa lang po ako nung binasa ko to. Nadagdagan fighting spirit ko.

    I believe that if you want something, work hard and do everything to make it yours
    ^___________^

    Xiao .. tuloy na po ako sa pagreresearch about Cruise ahahaha.. Naopen ko po kc eeh .. Anyway THANK YOU PO .. ^______^

    Like

    1. Hi Eunice, natutuwa ako at nadagdagan ko ang fighting spirit mo 🙂

      Hindi mo kailangang mag aral sa mga mamahaling university. Ako ay nagtapos sa isang pampublikong unibersidad sa Maynila at sasabihin ko sayo na marami akong pinagdaanan na panghahamak mula sa mga ibang estudyanteng galing sa mga sikat at pribadong unibersidad noong kapanahunang nagaapply apply pa lang ako at iniinterview. Pero kahit mumurahin lang ang mga damit at sapatos na suot ko pag iniinterview eh…..hehe….daanin na lang sa abilidad para makapasok sa trabaho.

      Wag kang ma discourage sa mga sasabihin ng iba sayo. Hindi lang siguro nila alam kung ano talaga ang nature ng Tourism industry. Kung height mo ang iniisip mo at sa tingin mo eh tagilid ka sa pagiging Cabin Crew/Flight Stewardess, humanap ka ng ibang outlet na pwede mong mapasukan. Pwede ka din naman pumasok as Ground Staff sa mga Airlines, Ticket/Reservation Agent at kung ano ano pa. Kwento ko lang din sayo ang mga napasukang trabaho ng mga friends ko na nagtapos ng BS Tourism. Yung isa ay nagtatrabaho sa isang Travel Agency bilang isang Reservations Agent. May isa naman akong kaibigan na nagsimula bilang Ticketing Agent sa Philippine Airlines at ngayong ay nakakuha ng maganda gandang position sa JAL (Japan Air Lines…ata). Kung gusto mo naman pumasok sa hotel ay pwede ka sa Reception, Sales and Marketing at pwede rin sa Events. Maganda rin kung sa Cruise Ship ka mapupunta, magandang experience yan.

      Basta tatandaan mo lang, sikap at tyaga lang. Aja!

      Like

  3. Hi, Gusto ko lang malaman if puro accountings ba sa course na HRM? i hate math kasi (badly) and they say na yun nga puro math daw. but HRM tlga ang gusto ko since before that’s why it came out na hindi ko natapos young I.T course kasi nga wla dun ang passion ko kundi nasa pagluluto. pero yung math nman nakakapg alangan saken. how bout culinary?? ano pinagkaiba ng culinary sa hrm? Sori ah? although nakuha ko na yung mga definitions mu dito sa hrm pero sa culinary kya? and any better school suggested with that course? Thank you so much! your blog really helps and informative para sa mga katulad ko. 🙂

    Like

    1. Hello sayo MG!

      Salamat sa mga tulad mong bumabasa ng blog ko at masaya ako na kahit paano ay nakakatulong ako sa inyo 🙂

      Math ba kamo? oo maraming math ang HRM -__-
      Susukatin nyo kung ilang gramo ng harina ang ilalagay sa cake at oorasan nyo ang meat para hindi ma overcook at tumigas na parang rubber…hiihihii biro lang 🙂

      Walang masyadong Math sa HRM, wag kang mag alala hindi ka nag iisang Math hater… dahil ako din. Batch 2006 ako at sa PUP ako nag aral ng HRM. Malamang iba na ang curriculum nyo pero nung time ko, ang math subjects ko lang ay Basic Algebra ata, Accounting 1 at Statistics. Wag kang mag alala at puro basic lang naman yan, wala kayong Calculus o Trigonometry hihihi at hindi dudugo utak mo. Yung statistics ay gagamitin nyo sa Thesis kaya meron kayo nyan.

      Kung ang passion mo talaga ay sa pagluluto, I suggest na mag Culinary Arts ka na lang. Kasi medyo broad ang HRM at maraming ibang subject na although makakatulong iyon sayo baka hindi mo naman magamit. Mag concentrate ka na lang sa kung ano talaga ang gusto mo dahil for sure doon ka mag eexcel.

      About sa Culinary School, sa totoo lang hindi ako updatesd kasi matagal na akong wala sa Pilipinas at wala akong masyadong balita pero try mong i check tong website na na search ko at baka makatulong http://socyberty.com/education/top-five-culinary-schools-in-the-philippines/

      Salamat muli at kung may tanong ka pa, don’t hesitate na mag reply ulit.

      Ciao!

      Like

  4. Walang nakakahiya as trabahong nagpapagaan ng bunya ng iba. Mahirap magsilbi lalo na as mashing it. Yay, I will have to write in English because my keyboard autocorrects my Tagalog. Nge! All the best to you.

    Like

  5. hello po! hrm student po ako this coming school year.. sabe po skn hindi daw ako pde dhl maliit ako 4’10-4’11 lang po ako. wala po ba ako mkkuha na trabaho na mgnda pgdtng po sa oras na ng pagttrabaho? gusto ko po sana sa ibang bnsa okya sa cruise po. tas ayun dn po waitress lng dw po ako tska walng matinong mggng trabaho at aun nga po dhl dn sa height ko. parang naiisip ko po tuloy d ata ako uunlad , ung d man lng yyaman or bsta po ung mgndang trabaho.

    Like

  6. hi po !
    Ako nalilito po tlaga ako sa Course ko ..
    malapit na naman po ang pasukan nakapag enrol na po ako sa kursong HRM eehh..sabi ng friend ko na pwede pa dw mag palit ng course eehh..gusto ko sana mag Palit ,Nalilito talaga po ako ..Kpag nakagraduate ako ndi nmn agad magiging Chef..baka yung mga pinag gagastusan namin eehh baka Baliwala Lang ..Kailangan ko po tulong nyo mag papalit pa po ba ako ng course na BS HRM???

    Like

    1. Hello Elva,

      Bakit ka ba nalilito? Di ba gusto mo maging Chef? So bakit mo iniisip na pagkagraduate mo eh hindi ka naman magiging Chef? Kung hindi mo lang din naman pagiigihan ang pag aaral dahil hindi mo naman talaga buong pusong gusto ang kursong HRM, hindi ka nga magiging Chef. Kung pagka graduate mo ng kurso mo eh iba ibang trabaho ang aapplyan mo, magiging Chef ka ba?

      Neng, alam mo ang pagiging Chef, nagsisimula yan syempre sa training. Kailangan habang nag aaral ka ay pinaghuhusayan mo ang mga subjects nyo na kung saan ay malilinang ang cooking talents mo.

      Kung trabaho naman ang tanong mo, lahat ng kusinero ay dadaan muna sa pagiging Trainee o kaya Commis 3, ganyan naman talaga sa simula diba? Hindi ka naman agad magiging Executive Chef pagkagraduate mo. Ang Commis 3 kadalasan ay yun bang taga balat ng sandamakmak na sibuyas at taga hiwa ng sandamakmak na kamatis. Hindi kita tinatakot o sinisiraan, yan ang realidad. Hindi ko sinasabing wala kang mapapala sa larangang ito. Yan talaga ang starting point ng halos lahat ng mga kusinerong nakilala ko. Taon ang ginugol nila para makaangat sa posisyon pero nagawa naman nila dahil sa sipag at tyaga. Hindi naman nangangahulugan na porket nagsimula kang ganyan eh habang buhay kang magbabalat ng sibuyas at maghihiwa ng kamatis. Halimbawa lang naman yang sinabi ko.

      Nasa sa iyo ang iyong pag unlad. Wala sa course na kukunin mo o unibersidad na papasukan mo.

      Sana ay wag ka ng malito. Hindi masasayang ang mga gagastusin mo kung pagiigihan mo. At saka think positive. Sa tingin ko nagiging negative ang thoughts mo dahil sa mga naririnig mo. Kung ibang course ang gusto ng friend mo, wag mo sya gayahin kasi iba naman ang gusto mo.

      Sana nakatulong ako sa iyo. God bless!

      -sabaw

      Like

  7. Reblogged this on Hotelier Ako and commented:

    Ito yata ang isa sa mga pinaka una kong inilathala noong nadiskubre ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang blog. PAtungkol ito sa mga ala-ala habang ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Mahaba haba ito kaya konting tyaga sa pagbabasa. 🙂

    Like

  8. hello po ! 🙂 naguguluhan po kc ako comcsi student po aku nun pasado po lahat ng grade ko ng 1st yr. eh kailangan ko po mag stop now po itutuluy ko na study ko,pero naguguluhan po ako kung itutuluy ko pa yung cs eh alam ko po sa sarili ku na hindi ko field yun, ang gusto ko po talaga culinary kaso masyadong mahal so ang choice ko po ngayon ee hrm ,nakakadalawang isip lan po kc alam ko po nd lang sa pagluluto nakafocus ang course na yun,eh sa cooking lg talaga aku interesado sa iba hindi na..ano po sa tingin nyo mas praktical po ba ituluy ku nalang ang cs oh itake ko ang hrm?? syaka advisable pa po bang itake ang hrm sa panahon ngayon?

    Like

    1. Hello Jerica.

      1. Kung Culinary talaga ang gusto mong i pursue, may nakita ako sa facebook na mukha maganda ang curriculum kaso nga lang talaga, mahal. Yung First Gourmet Academy pero check mo na lang din para ikaw na ang humusga. https://www.facebook.com/firstgourmetacademy

      2. Kung hindi mo naman talaga field and comsci, wag mo na sayangin ang panahon mo.

      3. Ok naman mag HRM ka kaso baka mamaya hindi ka maging interesado sa ibang subjects dahil culinary lang ang gusto mo. On the other hand, masasabi kong hindi naman boring yung ibang subjects ng HRM na course. Maybe you could inquire about the curriculum kung saang school ka man papasok para makita mo at saka ka magdecide. Mahirap kasi yung isip ka ng isip ng walang basehan. Wag kang maguluhan.

      Sa tanong mo kung advisable ang HRM sa panahon ngayon, well, maraming trabaho, ang kaso andami na ring kumukuha nito sa pagkatapos nyo, andami nyong magkakakompetensya sa work. So matira ang matibay ang laban dito.

      Pero sa ngayon siguro ang isipin mo muna ay kung ano ba talaga ag feel mong tapusin. Pakiramdaman mo at sundin ang instincts.

      🙂

      Like

  9. Hi po 🙂 1st yr student po ako sa UE-Manila taking BSCE. Pero magshishift po ako ng BSHRM kasi nararamdaman ko po talaga na mas mag eexcel ako sa HRM halos lahat kasi ng hilig ko andun sa field na yun. Maraming Salamat po sa pagshare niyo 🙂 ” Wala namang tao na pag ka graduate eh boss ka na agad ” 😀

    Like

  10. Hello po
    May itatanong po ako
    Gusto ko kc lumipat ng school at mag shift ng course HRM gusto kong pumasok sana sa magndang school kaso nga walang pang tuition… tatapusin ko po ung isang taon sa course kong computer technology 2years diploma tas lilipat po ako ng ibang school magtraransfer po ako.
    Magiging 2nd year na ba ako nun pag lipat ko sa ibang school?? Tad ano ba unh cnasabe nila na may babalikan akong subjects???
    Iniisip ko kc hotel and restaurant services na lng kunin ko 2years lng kc walang pang tuition …. anu un magiging 2nd year na ba ako sa coursr na hrs??? Eh d ba pag 2nd year na may ojt na un kc 2 years diploma lng nmn cia. Panu un??? Mag oojt ako rh wala pa akong alam????

    Like

    1. Hello Roselle. Ganito yan. Hindi ka pa magiging 2nd year (sa HRM) pag lumipat ka ng ibang school. Bakit? Kasi Computer Technology and una mong course. Wala ka namang subject na related sa HRM. So lahat ng subjects ng HRM pang first year ay kelangan mo kunin lahat. Wala kang babalikang subjects dahil uumpisahan mo lahat unless may minor subjects ka nang kinuha dati na ice-credit ng bago mong school, ayun hindi mo na kelangan kuhanin ulit. Kelangan klaruhin mo yan sa bagong school na papasukan mo. At hinding hindi ka mag-O-OJT kung wala ka pang alam. ok? Chill. Nerbyosa ka eh.

      Like

      1. So???? 1st year ulit ako???
        Ganun ba un???
        Mejo naguguluhan na tlga ako…
        D ko alam kung kukunin kong course kc inaalala ko ung pang tuition…
        Kaya ngaung bakasyon mag susummer job ako sa tingin ko kulang pa sa pangtuition ko.

        May pinag pipilian kc akong course kung HRM O TOURISM
        ayon nga ung HRm magastos daw..
        Kaya problemado ako tas pamasahe pa…alam kong hndi ako marunong magluto kaya ko lng nagustuhan to kc sa mga napapanood ko sa tv kagaya mga dessert,meal mga ganun… naiinggit ako sa mga marunong magluto kaya nakakainspire cla.

        Ung Tourism namn mag tutour ka sa ibaf ibang lugar etch… tas kailangan marunong mag english… eh ako nmn nakakaintindi ako ng english. Pero pag ako nmn mag ienglish eh wrong grammar kaya mahina ang loob ko na kunin yang course gus2 ko kc tong course kc dream ko makapagtravel sa ibat ibang bansa at makakilala ng mga foreigner… sa 22o lng kung mag boboyfriend ako foreigner gusto ko…

        Ano po bang mas mahal HRM O TOURISM??????

        Like

        1. Ineng, ikaw lang ang gumugulo sa sarili mong isip. Diba kako, itanong mo sa lilipatan mong school para di ka nag-iisip ng kung ano ano. At angdami mong tanong, isa isa kong sasagutin. (1) Kung wala kang pang tuition maghanap ka ng scholarship. Kung wala kang makitang scholarship, mag working student ka. (2) HRM o Tourism? Mas magastos ang Tourism. (3) Kelangan marunong ka mag-English kung kukunin mo ang HRM o Tourism kung hindi, mapag-iiwanan ka. (4) Kung gusto mo lang magkaron ng foreigner na boyfriend at yun lang ang layunin mo kaya ka nag-aaral ng tourism ay tigilan mo na ito. maghanap ka na lang ng foreigner sa facebook. Hindi ginagawang sangkalan ang pag-aaral para lang makahanap ng foreigner na boyfriend

          Like

  11. Ako po ung taong hindi umaasa sa iba
    Kaya aukong umasa kay mama kc may pinapaaral pa ung ate ko ( wala nakong tatay iniwan na kami since birth). AKo aukong makisabay sa mga gastuhin. 17 palang ako sobrang stress nako sa kakaisip.. d ko tlga kung gagawin ko… sayang nmn ung isang taon sinayang ko lng .. wala kc akong choice eh kc malapit lng ung school samin at sa lahat d tlga ako mahilig magcommute kapag malalayo feel ko kc maliligaw ako. Sayang tlga ung pagiging 1st year ko ngaun…. 😦

    Like

    1. Ineng, kung hindi ka mahilig mag commute, eh bakit gusto mo kumuha ng Tourism? Napaka contradicting ng statement mo. Alam mo kung bakit sayang yung isang taon mo? Kasi magulo ka magdesisyon. Pag-isipan mo muna maigi kung gusto mo ba talaga mag HRM o Tourism bago ka mag enroll para di ka manghinayang.

      Like

  12. Hi 😀 gusto ko po mag HRM Kaso magastos nga daw . lagi saking tinatanung kung bakit HRM Ang gusto ko ? di ko nalang po pinapansin pero yung ang gusto ko kasi hndi naman ako magaling sa math pero gusto ko ang mag luto hindi naman po ko kagalingan sa pag luluto mahirap po ba ang HRM ?

    Like

    1. Hi Femilyn,

      Hindi ko alam kung bakit mas maraming babaeng kumukuha ng course na yan.

      Pero personally, based sa experience ko mas madaling makakuha ng work ang mga babae sa hotel.

      Like

  13. pwede pa po ba penge pa pong onting information hehehehehe, kailangan lang po sa thesis. Ang hirap po kasi pag wala pang exzperience first year pa lang po kasi ako, nangangapapa po hehehhe. kung may maiibigay lang naman po kayo salamat po 🙂

    Like

    1. hi Femilyn,

      Sabi ko na nga ba. Well, yung sa tanong mo kung bakit maraming babaeng kumukuha ng HRM, dapat magsagawa ka ng survey kasi hindi ka pwedeng magbase lang sa opinion ng isang tao.

      I suggest, mag survey ka sa mga ibang sections sa school nyo or higher years na nagtake ng HRM para malaman mo kung bakit sila kumuha ng HRM.

      Like

  14. Thankyou po 🙂 grabe kahit paulit ulitin ko ang yung pagbabasa netong experience mo po talagang nakaka think positive as in nakakatibay po talaga ng loob hindi ka mawawalan ng pagasa lalo na para sa kinabukasan haha. Na tulad ko pong pasimula pa lang po sa pinasok kong course nagdadalawang isip pa po ako pero natuwa ako kasi lalong lumakas ang loob ko na magsikap ng mabuti at magtyaga para makamit ko din po yung minimithi ko sa aking buhay. Thankyou po talaaagaaaa 🙂 Okay lang po yun sakin 🙂 sobrang salamat po :* sobrang ganda talaga 🙂

    Liked by 1 person

  15. Hi! I’m incoming grade11 this year, connected yung kukunin ko sa HRM (food&beverages) I just want to know kung mas okay ba kung mag college paba ako para mabilis makakuha ng job o okay na din yung 2years sa senior high? Kelangan po bang 4years para makapag abroad?

    Liked by 1 person

  16. i searched THE LAND OF MILK AND HONEY = ISRAEL. haha. AYSA, tama ka. wala yan kung saan ka school nagaral. i graduated in FEU manila. employers wont base hiring you thru good schools. but base on experience. im also hotelier working in Front Office mag 2 years na abroad.

    for people out there thinking that hrm is a Low profile course, think again. it is fun but challenging. Lahat naman challenging eh.

    Liked by 1 person

    1. Ay mali pala ako all this time hahaha…israel pala ang land of milk and honey….so ano pala Dubai? Baka pwede na land of milk and money? Hahahahaha ay sya ingat ka kung nasan ka man….
      Wag na nating pansinin ung mga nang uunderestimate haha…wala silang alam

      Like

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s